PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobay still in pain over breakup with Kent Resquir

"Bakit nakipaghiwalay habang malayo kami? Puwede namang nung umuwi siya."
by Rommel Gonzales
Published Mar 12, 2022
boobay kent resquir
Boobay on ex-boyfriend Kent Resquir: "Sana, hopefully, ma-realize niya soon na… kahit hindi siya makipagbalikan sa akin, yung maayos man lang, yung maging friends man lang kami. Kasi sayang yung pinagsamahan, sayang."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

Kung kailan may pandemya ay saka pa nakaranas ng heartbreak ang komedyanteng si Boobay dahil sa breakup nila ng boyfriend na si Kent Resquir.

Kinumpirma ni Kent ang breakup nila ni Boobay sa pamamagitan ng Instagram noong July 5, 2021.

Read: Boobay’s boyfriend confirms their breakup after nine years together

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Boobay sa presscon ng Take Me To Banaue noong March 3, 2022, Huwebes, sa Pandan Asian Café sa Scout Limbaga St., Tomas Morato, Quezon City, inamin niyang nakaranas siya ng anxiety at depression dahil sa nangyari.

Rebelasyon pa ni Boobay, hindi pa nito naiiiyak nang todo ang masakit na karanasang sinapit niya.

“Hindi ko pa siya nailalabas,” may pait na tumatawang bulalas ni Boobay.

“Hindi ko pa siya nahaharap. Kasi wala yung… wala yung taong yun, e.

"Di ba, mas masarap sanang ilabas yung sama ng loob mo dun sa nangyari sa inyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hiwalay na kami, natanggap ko na naman.”

Paano niya ilalabas ang sama ng loob niya kung nasa Australia si Kent?

“Yun nga, iyon ang hindi ko matanggap, bakit nakipaghiwalay habang malayo kami? Puwede namang nung umuwi siya.”

Si Kent daw ang tumapos sa kanilang relasyon habang nasa Australia ito, at nasa Pilipinas naman si Boobay.

Ano ang dahilang ibinigay ni Kent at nakipag-break ito sa kanya?

“Gusto daw muna niyang maging single,” sagot ni Boobay.

AFTER EIGHT YEARS

Walong taon inabot ang kanilang relasyon nina Boobay at Kent, taliwas sa mga unang napaulat na naghiwalay sila matapos ang siyam na taon.

Nine years na sana ang kanilang relasyon noong October 31, 2021; July 4 of the same year siya hiniwalayan ni Kent.

“Tapos ang gusto niya, pa-birthday ko na daw sa kanya yun,” ani Boobay.

Ano ang naging reaksiyon ni Boobay nang nakipag-break sa kanya si Kent?

“Ay, yung ‘What?!’ hindi ganun. ‘Ano ba, nagbibiro ka ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, di ba, three years na po kaming long distance? Naiintindihan ko minsan hindi talaga yung communication namin, hindi ganun kagaya ng dati na palagi kaming nag-uusap, ganun.

“Pero maiintindihan ko ganun talaga yata ang long-distance relationship.

"Pero hindi siya pumasok sa isip ko na ako makikipaghiwalay sa kanya. Pero siya naisip niya yun.

"Pero siguro there’s a reason for everything, sa mga nangyayari siguro.

"For me siguro, kaya nangyari yun para makapag-focus ako sa mas importanteng bagay, kagaya na lamang nito," pagtukoy ni Boobay sa bagong pelikulang kasama siya sa cast, ang Take Me To Banaue.

Sabi pa niya, “O, di ba, may mga bago tayong opportunities.”

Tanggap ba ni Boobay ang rason ni Kent na nais nitong maging single?

"Hindi," diretsong sagot niya.

Ano ang isinagot niya kay Kent?

“Wala, sabi ko, ‘Ikaw, sige.’”

Hindi raw niya inaway si Kent.

Saad ni Boobay, “Hindi ko yun ibibigay sa kanya kasi hindi ko sasabihing… hindi ako ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi ko ipapakita sa ‘yo, hindi kita iba-block sa Facebook, hindi kita iba-block sa Instagram. Kasi, for me, that’s immaturity, di ba, na gawin ko yun.

“Pero iyon nga, sana, hopefully, ma-realize niya soon na… kahit hindi siya makipagbalikan sa akin, yung maayos man lang, yung maging friends man lang kami. Kasi sayang yung pinagsamahan, sayang.”

Binlock daw ni Kent si Boobay sa social media.

Patuloy ng Kapuso comedian, “Sayang lang kasi yung mga taong umaasa, naging close ako sa family niya, naging close siya sa family ko, yung friends ko naging friends niya na rin.

"So, sayang. Sayang, could have been."

KENT BLOCKED BOOBAY ON SOCIAL MEDIA

Maganda ang love story nina Boobay at Kent.

Nang na-stroke si Boobay noong 2016 ay si Kent, na isang physical therapist, ang nasa tabi niya at umagapay hanggang gumaling ang komedyante.

Ano sa palagay ni Boobay ang dahilan kaya binlock siya ni Kent sa Facebook at Instagram accounts nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ayaw na niyang makita yung mga updates sa life ko, ganyan, at ayaw na rin niya siguro na makita ko kung ano ang mga nangyayari sa kanya.

“Pero tsini-check ko pa rin naman yung ano niya!” natawang sabi ni Boobay. “Okay lang ba yun, tsini-check ko pa rin rin yung mga ano niya?”

Naka-block siya kay Kent, paano niya natse-check ang social media accounts nito?

“E, may mga friends naman ako na friends sila.”

Okay pa rin daw sila ng ina at mga kapatid ni Kent.

“We’re still okay," pakli ni Boobay.

“For me, immaturity yun, yung ganun-ganun. Yung pati yung mga wala namang kinalaman sa breakup niyo, iba-block mo na din, o kaya mawawalan ka ng communication sa kanila, hindi.

“Kasi lahat naman sila naging mabuti along the way nung eight years namin together, so walang reason talaga."

Himutok pa ni Boobay: “Sana hindi siya nag-give up, o nag-give up man siya, sana sinabi niya sa akin sa personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nung naging kami, personal naman, e, nung naging tayo. Bakit nakipaghiwalay ka na magkalayo tayo?"

Ano ang mensaheng nais iparating ni Boobay kay Kent na hindi pa niya nasasabi sa dating karelasyon?

“Na sana happy siya, happy siya.

"Na sana kung makahanap siya ng bagong mamahalin o kaya ng bagong magmamahal sa kanya, sana huwag siyang iiwan. Kasi, wala, hindi ako nag-ano talaga, not longing na makipagbalikan pa siya sa akin.

"Pero kung sakaling makahanap siya, sana tumagal sila. Sana maging maayos, sana maging mabuti ang sitwasyon sa kanila."

Pag-amin pa niya: "Sana hindi niya maranasan yung nararanasan ko ngayon, kasi I’m still in pain.

“Thankful lang talaga ako kay Lord kasi ginawa niya akong ganito ka-strong kahit na in pain pa rin ako talaga ako.

“Hindi ko pa rin kasi nailalabas talaga.”

BROKEN PROMISE

Wala siyang nais itanong kay Kent?

“Nasaan na yung pangako mo?” at tumawa na may halong lungkot si Boobay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong pangako?

“Panoorin niyo sa lumang episode ng Celebrity Bluff, di ba, meron siya dun, guest siya sabi niya, ‘Forever tayo!’"

Lagi raw pinapanood ni Bobay ang naturang episode kung saan nagdiwang ng kaarawan si Boobay.

“Ganun talaga siguro,” ang malungkot na sabi ni Boobay.

Halimbawang biglang nakipagbalikan sa kanya si Kent?

“Maybe it will take time, di ba?” sagot ni Boobay.

Hindi siya agad papayag?

“Hindi, di ba, parang ibibigay ko ba sa kanya agad-agad na ano… siguro kasi kailangan ko pang iano, bigyan ko muna siguro ng importansiya ang sarili ko sa mga panahong ito.”

Wala bang mga bagong “nagpaparamdam”?

"May mga nagpaparamdam pero parang hindi pa, e. Hindi pa ako ready sa ganun talaga."

Mas gusto raw ni Boobay na ang susunod niyang karelasyon ay isa rin sa mga ex niya, ayaw niya ng bago.

“Kasi mag-start ka na naman from the bottom,” paliwanag niya.

Tatlo na ang nagiging karelasyon ni Boobay; ibig sabihin kung makikipagrelasyon siyang muli, isa sa tatlong iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, lahat naman sila may partner na.”

So, paano iyon?

“E, di okay lang. Siguro kailangan talagang mag-focus sa ibang bagay,” sabi ni Boobay.

TAKE ME TO BANAUE

Ang Fil-Am movie na Take Me To Banaue ay mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa U.S.

Gaganap dito si Boobay bilang si Rocky.

Kasama rin sa cast sina Thea Tolentino, Maureen Wroblewitz, ang American actors na sina Brandon Melo at Dylan Rogers, at si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Ang director/producer ng pelikula ay si Danny Aguilar, isang Filipino-American na naka-base sa Dallas, Texas sa USA; ito ang kanyang directorial debut.

Katuwang niya sa pagsusulat ng screenplay ng Take Me To Banaue si Jason Rogers.

Line-produced ni Monch Bravante, ang setting ng kabuuan ng pelikula ay sa Baguio City at sa Banaue, Ifugao.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on ex-boyfriend Kent Resquir: "Sana, hopefully, ma-realize niya soon na… kahit hindi siya makipagbalikan sa akin, yung maayos man lang, yung maging friends man lang kami. Kasi sayang yung pinagsamahan, sayang."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results