PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alma Concepcion reacts to basher calling her "gurami"

Alma Concepcion: "Aging is privilege denied to many. Ano issue mo sa gurami?”
by Arniel C. Serato
Published Mar 7, 2022
Alma Concepcion answers basher calling her "gurami"
Alma Concepcion to basher tagging her as "gurami": “It's not the age, it's how u look. Ikaw ano itsura mo?"
PHOTO/S: Courtesy: @alma.concepcion on Instagram / Alma Concepcion on Facebook

Pumalag ang beauty queen at aktres na si Alma Concepcion sa isang basher na tinawag siyang “gurami.”

Base sa pangungutya ng basher, “gurang” o matanda na umano ang 46-year-old na si Alma.

Ang gurami ay tumutukoy rin sa isdang tabang.

Sa kanyang Facebook kahapon, March 6, 2022, ibinahagi ni Alma ang screenshot mula sa komento ng basher sa kanyang hindi matukoy na post sa Instagram.

Sabi ng netizen sa kanya at kanyang mga kasama siguro sa larawan, “Mga gurami”

Magalang pa ring tugon ni Alma, mas nanaisin na niyang maging gurang dahil ang pagtanda ay hindi ibinibigay sa karamihan.

Ayon sa Bb. Pilipinas International 1994, “So? Aging is privilege denied to many. Ano issue mo sa gurami?”

Alma Concepcion reacts to basher calling her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Alma sa kanyang post: “Mas gusto ko na maging ‘gurami’ kesa maging bata na wala naman respeto sa kapwa.”

Sa comments section ng kanyang post, ibinahagi rin ni Alma ang isa pang komento ng naturang basher.

Puna nito sa kanya: “ANU NA NAMAN ANG PROBLEMA NG MATANDANG TO?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Alma: “Its not the age its how u look. Ikaw ano itsura mo [laughing emoji]”

Alma Concepcion reacts to basher calling her

Maraming celebrities ang nagiging biktima ng bashers online.

Ang ibang mga celebrity ay pinipiling huwag sagutin ang mga ito, ngunit may ilan ding pumapalag kapag below the belt na ang banat.

Isa sa kanila ay si Geneva Cruz na walang takot na pinatulan ang ilang bashers na pinuna ang kanyang singit noong March 2021.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion to basher tagging her as "gurami": “It's not the age, it's how u look. Ikaw ano itsura mo?"
PHOTO/S: Courtesy: @alma.concepcion on Instagram / Alma Concepcion on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results