PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elisse Joson-McCoy de Leon relationship on the rocks?

Elisse Joson: "Akala ko ok na pero nakakapagod pala."
by Rachelle Siazon
Published Mar 4, 2022
mccoy de leon, elisse joson, mclisse
Elisse Joson and McCoy de Leon both trend on Twitter as fans get concerned about the couple's cryptic messages about going through a rough patch. McCoy's post reads in part: "Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby."
PHOTO/S: @nextbymetrophoto / @elissejoson Instagram

Tila may dinadaanang rough patch si Elisse Joson, 26, at live-in partner na si McCoy de Leon, 27, dahil magkasunod silang naglabas ng hinaing sa kani-kanilang Facebook accounts.

Ngayong Biyernes ng hapon, March 4, 2022, nagpakawala si Elisse ng mensahe na suko na ito sa dinadaanang problema.

"Akala ko ok na pero nakakapagod pala.

"Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil yung paghihirap namin ni baby.

"Ayoko na," saad ni Elisse.

Eksaktong 3:03 p.m. nang i-post iyon ni Elisse.

elisse joson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maya-maya ay tila in-edit ito ni Elisse at tinanggal ang mga salitang "Ayoko na."

Elisse Joson, McCoy de Leon, mclisse

Hindi malinaw kung may pinag-awayan ba sila ni McCoy, pero may sagot agad ang aktor.

Eksaktong 3:23 p.m., nag-post din si McCoy sa verified Facebook account nito.

Waring nagpahiwatig ang aktor na hindi siya nagkulang sa kung anumang hinaing ni Elisse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila depensa ni McCoy: "Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo.

"Wala na rin akong maayos na tulog.

"Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby."

Elisse Joson, McCoy de Leon, mclisse

Hindi nila binanggit ang pangalan ng isa't isa, pero mahihinuhang magkaugnay ang kanilang Facebook posts.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kilala sina McCoy at Elisse sa uniname na McLisse, dahil nagkakilala at nagkamabutihan sila sa Pinoy Big Brother Lucky 7.

REACTIONS OF MCLISSE FANS

Nag-trend sa Twitter ang pangalang "McCoy" at "Elisse" dahil marami sa fans nila ang nabahala nang mabasa ang kanilang posts.

elisse joson, mccoy de leon, mclisse

elisse joson, mccoy de leon, mclisse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Facebook wall ni McCoy, marami ang nagkomentong sana ay magpakatatag lang ang couple dahil normal ang ups and downs sa buhay.

elisse joson and mccoy de leon

Virtual hugs at words of comfort din ang mensahe ng fans sa Facebook wall ni Elisse.

elisse joson and mccoy de leon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang oras, nababahala pa rin ang fans pero unting-unting lumabas na tila promo para sa isang endorsement ang cryptic posts nina Elisse at McCoy.

mclisse

Sabi ng isang fan account, sana ay hindi ginamit na anggulo na may pinagdadaanan ang couple dahil hindi raw kaila na minsan nang naghiwalay ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

mclisse

Sa Instagram account nina McCoy at Elisse, makikitang sweet na sweet pa ang dalawa kahapon.

mclisse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong February 27 ay ipinagdiwang naman ng couple ang christening ng kanilang anak na si Baby Felize na 11 months old ngayon.

MCCOY AND ELISSE'S LOVE STORY

Naging totohanan ang relasyon nina Elisse at McCoy matapos ang PBB Lucky 7, na umere mula July 2016-March 2017.

Pero nagkalabuan sila noong March 2018, at inamin nilang hiwalay na sila noong January 2019.

Pero sinuyo uli ni McCoy si Elisse nang muling magkrus ang landas nila sa isang show.

Nagkabalikan sila, at muling namataang magkasama noong August 2020.

Read: McCoy de Leon reveals details of reconciliation with Elisse Joson and their family of three

August 30, 2020, nag-post sa Instagram si McCoy ng litrato nila ni Elisse na sakay ng isang yacht.

Inamin nila ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak noong October 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elisse Joson and McCoy de Leon both trend on Twitter as fans get concerned about the couple's cryptic messages about going through a rough patch. McCoy's post reads in part: "Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby."
PHOTO/S: @nextbymetrophoto / @elissejoson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results