PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia Montenegro on CCTV showing theft inside shopping store

Nadia Montenegro explains how robbers got money from mom's credit card and ATM.
by Rachelle Siazon
Published Mar 3, 2022
Nadia Montenegro
Nadia Montenegro on how money was stolen from her mom's credit card: "Yung Bank of America ang nakakagulat kasi credit card yun. Walang limit yun. So, non-stop, habang nasa loob sila nagko-complain, nanakawan sila, nagno-notify yung phone ng mommy. Makikita mo nag-notify na winithdraw, 170 dollars, 200 dollars..."
PHOTO/S: Nadia Montenegro YouTube / Facebook

Sa tulong ng pulisya ay nakuha ni Nadia Montenegro ang buong CCTV footage na nagpapakita ng aniya'y "modus" ng "sindikato" sa loob ng kilalang membership shopping store sa Novaliches, Quezon City.

Read: Nadia Montenegro reports mom got robbed by 7 men in membership shopping store: "It's a big modus."

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nanggigigil pa rin si Nadia sa tindi ng kapal ng mukha ng pitong taong nagnakaw ng wallet ng kanyang 74-anyos na ina.

Ang kapatid ni Nadia na si Tanya Montenegro ang kasama ng ina ng aktres na nimili noong Miyerkules ng tanghali, Marso 2, 2022.

Pero napahangos si Nadia mula sa kanyang bahay sa Marikina papunta sa shopping store sa Novaliches nang malaman ang insidenteng nanakawan ang ina.

Ayon kay Nadia, nakalap ng pulisya ang CCTV hindi lang sa shopping store kundi pati na rin sa kanto ng kalsada kunsaan nakitang pumarada ang van sakay ang apat na babae at tatlong lalaki na suspek sa pagnanakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula pagbaba nila ng sasakyan hanggang pagpasok nila ng membership shopping store ay napanood ni Nadia ang galaw ng grupo ng magnanakaw.

"Hindi nila alam yung kanto ng S&R, may CCTV, so kita yung plaka. Kita na silang pito, lumabas ng Innova.

"Apat na babae nagsusuot ng jacket, walang mask. Kitang-kita sa CCTV.

"Yung dalawang lalaki, magkahiwalay sila kunwari. May strategy sila, kung paano nila napagplanuhan yung mommy ko," lahad ni Nadia sa PEP.ph.

Nang ma-target na ng grupo ang ina ni Nadia, pinagkumpulan daw ito ng pitong katao para hindi mapansing dinukutan na ito ng wallet.

"Nasigawan pa ni Tanya yung isang babae. 'Bakit ba ang gulu-gulo niyo?!' Dahil binabangga yung cart ni Mommy.

"Ang mommy, nasa aisle, pito silang nakakumpol.

"Tapos makikita mo sa CCTV, si Tanya nakatingin talaga kay Mommy kasi ang weird ng pitong taong iyon."

Namamangha pa ring isinalaysay ni Nadia kung gaano kabilis nangyari ang pagnanakaw ng wallet sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita raw sa CCTV na may isa sa pitong suspek ang mabilis na lumabas ng membership shopping store, at ito marahil ang may dala ng wallet.

"Talagang ang bilis. Yung pagkakakuhang ganun, plak!

"Sumenyas siya, nagkalat yung pito, yung isa nakita sa CCTV lumabas.

"Pati kotse nila, planadong-planado sila. Yung suot nila papasok-palabas, iba. Lahat sila may dalang bag."

Naalis daw agad ng mga ito ang isinuot nilang mga jacket bago pumasok ng shopping store, para hindi sila agad matunton.

Bandang 12:54 p.m. nang manakawan ang ina, base sa time stamp ng nakalap na CCTV.

"Wala pa silang seven minutes sa loob ng store," lahad ni Nadia.

HOW ROBBERS GOT THE MONEY FROM THE ATM CARDS

Ang nakakaloka, napansin din naman agad ng ina ni Nadia na nawalan ito ng wallet.

Ang ginawa ng kapatid ni Nadia na si Tanya ay inalerto raw nito agad ang staff sa membership store hinggil sa insidenteng pagnanakaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Nadia sa paghingi ng saklolo ni Tanya, "Nagsisigaw na si Tanya..."

Sa puntong iyon, mabilis na ring na-withdraw ang pera sa BDO ATM at Bank of America credit card ng ina ni Nadia.

Ayon kay Nadia, pati mga pulis ay namangha sa modus ng mga magnanakaw.

Tanong ng PEP.ph: paano naka-withdraw mula sa ATM at credit card ang mga magnanakaw?

Sagot ni Nadia: "Yung BDO, for sure, napakadali nun, kasi nandun lahat ng information ng mommy ko sa wallet.

"Kasi, it's a big wallet. Nandun lahat ng checkbook and all, senior card niya...

"Siguro trinay nila lahat ng combinations. Yung BDO nakuha kasi birthday niya [Nadia's mom], senior, e, di ba, para matandaan.

"Yung Bank of America ang nakakagulat kasi credit card yun. Walang limit yun.

"So, non-stop, habang nasa loob sila nagko-complain, nanakawan sila, nagno-notify yung phone ng mommy."

Ganoon kabilis?

"Yes! Ang bilis-bilis. Hindi sila sa S&R gumastos. Lumabas sila, sa ATM [machine] ng Robinson's sa tabi, dun nila na-withdraw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ni Nadia na nakapag-withdraw din sa credit card ang mga magnanakaw dahil nagsisilbi rin itong debit dollar account ng kanyang ina.

"Makikita mo nag-notify na winithdraw, 170 dollars, 200 dollars... Iyong credit card, international. Kahit bumili ka kotse sa Manila, kahit nasa Amerika ka, puwede.

"So, meron silang gadget. Di ba, sa [popular coffee shop] we tap our card? Meron silang ganun siguro.

"Kasi yung mukha ng pulis, three-hour sila [nag-investigate], parang ngayon lang nila narinig yung ganitong modus, kung gaano kabilis.

"Sabi ko nga, parang may in-open ako na Pandora's box."

Sa ngayon, kinakalap pa raw ng pulisya ang iba pang impormasyong para maaresto ang mga suspek sa pagnanakaw sa shopping store.

"Shocked" pa rin daw ang ina ni Nadia, pero nagpapasalamat siyang safe na ito. Pinasarado na rin ang ATM at credit card nito para di na makunan ng pera.

Ani Nadia, hiling niyang mahuli agad ang mga suspek para hindi na maulit ang krimeng ginawa ng mga ito at makapangbiktima pa ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro on how money was stolen from her mom's credit card: "Yung Bank of America ang nakakagulat kasi credit card yun. Walang limit yun. So, non-stop, habang nasa loob sila nagko-complain, nanakawan sila, nagno-notify yung phone ng mommy. Makikita mo nag-notify na winithdraw, 170 dollars, 200 dollars..."
PHOTO/S: Nadia Montenegro YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results