PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erich Gonzales tight-lipped on church wedding to Mateo Lorenzo

Erich Gonzales once described Mateo Lorenzo as "too good but true."
by Rachelle Siazon
Published Feb 24, 2022
Erich Gonzales Mateo Lorenzo wedding
Erich Gonzales is all smiles during her contract renewal with ABS-CBN, but did not join the mediacon after her contract signing. To date, Erich has yet to confirm details about her upcoming church wedding with fiancé Mateo Lorenzo. The actress once described Mateo as "too good but true."
PHOTO/S: Star Magic YouTube (left) / CTTO

Tikom pa rin ang bibig ni Erich Gonzales sa naiulat na napipintong pagpapakasal niya sa non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Hindi rin nagbigay ng clue si Erich sa kanyang social media accounts na siya ay engaged to be married.

Noong Sabado, February 19, 2022, naisapubliko ang kopya ng wedding banns nina Erich at Mateo.

Sa Simbahang Katoliko, ang wedding banns ay pormal na anunsiyo sa kinabibilangang parish church ng engaged couple tungkol sa petsa ng kanilang kasal.

Iaanunsiyo sa parish church ng tatlong magkakasunod na linggo ang tungkol sa upcoming wedding ng couple para masigurong walang hadlang sa pagpapakasal ng mga ito.

Sa kaso nina Erich at Mateo, kumalat sa Internet ang ipinaskil na wedding bann nila sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Iyon ang parokya na kinabibilangan ni Mateo, pati na ng mga magulang nito.

Sa Quezon City naman ang parokyang kinabibilangan ni Erich, base sa impormasyong nakasaad sa wedding bann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa St. James the Great Parish idadaos ang kasal ng couple sa March 23, 2022.

Pero hindi nag-react si Erich sa kumalat na wedding banns.

Kahapon, February 23, 2022, nag-renew ng contract si Erich sa ABS-CBN at sa talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic.

Erich Gonzalez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi siya kasama sa iba pang Kapamilya stars na sumalang sa mediacon pagkatapos ng contract signing.

Wala rin siya sa listahan ng celebs sa invite para sa mediacon, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang press na tanungin siya tungkol sa nalalapit niyang wedding day.

Si Erich ay 18 taong gulang nang maging Kapamilya star. Una siyang nadiskubre sa ABS-CBN reality talent search na Star Circle Quest Season 2 noong 2004. Siya ang itinanghal na winner noon.

Ilan sa mga pinagbidahan niyang teleserye ay Katorse, Maria La Del Barrio, at Be My Lady.

Katatapos lang din ng Kapamilya series niyang La Vida Lena, na umere mula June 28, 2021 hanggang February 4, 2022.

Si Mateo, ayon sa kanyang Instagram bio, ay nagtapos ng Management Engineering sa Ateneo De Manila University noong 2014. Siya ay mayroon ding MBA mula sa Wharton School of University of Pennsylvania noong 2021.

Tila sinusundan ni Mateo ang yapak ng amang si Martin Lorenzo, na pareho rin ang tinapos na kurso sa Ateneo at nagkaroon ng MBA sa Wharton.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Martin Lorenzo ay may mga pag-aaring negosyo sa food retail business at manufacturing company ng plastic products. Ilan sa brands sa pag-aari niyang RestaurantConcepts Group Inc. ay ang Barcino at GoNuts. Siya rin ang chairman at COO ng Central de Azucarera de Tarlac.

WHEN DID ERICH MEET MATEO?

January 2018 nang unang mapabalita ang tungkol sa pagkakaroon ng mayamang suitor ni Erich.

Ang kaibigan ni Erich na si Kris Aquino ang nambuking na dinalaw raw si Erich ng manliligaw nito sakay ng private plane sa set ng pelikula ni Erich na Siargao.

Nang sumunod na buwan, February 18, 2018, kumalat ang litrato ni Erich kasama ng manliligaw nito.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 2018, inamin ni Erich na kuha ang litrato na iyon sa Japan.

Kasama ni Erich ang di niya pinangalanang lalaki nang bisitahin ng aktres ang kapatid nitong painter.

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanging sinabi lang noon ni Erich patungkol sa kanyang suitor ay kapatid ito ng boyfriend ni Claudia Barretto. Ang kapatid ni Claudia na si Julia Barretto ay malapit na kaibigan ni Erich.

Ayon kay Erich, April 2017 nang makilala niya ang kanyang "persistent and consistent suitor" na kinalaunan ay natukoy na si Mateo Lorenzo.

Ayaw lang niyang banggitin ang pangalan ng lalaki dahil hindi raw sanay ang pamilya nito sa showbiz.

Mabait daw ang lalaki at pinangangatawanan kung ano ang sinasabi nito.

"Alam niyo yung sinasabing too good to be true?

"Di ba, parang hindi ka maniniwala na ganun, pero may mga tao palang nag-e-exist na ganun.

"Too good but it’s true talaga," paglalarawan pa ni Erich kay Mateo.

Read: Erich Gonzales confirms having non-showbiz suitor: "Consistent and persistent siya."

ERICH AND MATEO SIGHTINGS

January 2019 nang kumpirmahin ni Erich na mayroon siyang nobyo, pero mas gusto raw niyang manatiling pribado ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, I think it’s for the best," saad ni Erich sa kanyang vlog noon.

"I want to protect something so precious to me and something beautiful.

"I don’t wanna ruin it, so sa akin na lang yun."

Hindi nga niya inilalagay sa Instagram account ang mga date nila ni Mateo.

Pero may mga bihirang pagkakataong namamataan sila, tulad na lang nang magdiwang ng kaarawan ang Star Magic manager ni Erich na si Love Capulong.

Ginanap iyon noong January 2020.

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa vlog ni Erich noong September 2020, ipinakita nito ang birthday salubong niya nang mag-date sila sa isang restaurant ni Mateo.

Hindi ipinakita ni Erich ang mukha ni Mateo sa buong vlog, pero binanggit niya ang pangalan nito nang ipakita niya ang bigay nitong espresso machine sa kanya.

"Okay, yung huling gift po na binuksan natin, galing po iyan kay Mateo Lorenzo," saad noon ni Erich.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erich Gonzales is all smiles during her contract renewal with ABS-CBN, but did not join the mediacon after her contract signing. To date, Erich has yet to confirm details about her upcoming church wedding with fiancé Mateo Lorenzo. The actress once described Mateo as "too good but true."
PHOTO/S: Star Magic YouTube (left) / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results