Nagsulputan ang iba pang mga larawan nina Aljur Abrenica at AJ Raval na kuha sa kanilang bakasyon sa Tanauan, Leyte, ngayong araw, February 14, 2022.
Nakakatuwa pa nga ang caption ng isang netizen sa selfie niya kasama ang magkarelasyon.
Ginamit ng netizen ang viral na linya noong kasagsagan ng iyu nina Paolo Contis at Yen Santos kung saan nagpunta lamang daw sila sa Baguio “as a friend.”
Caption ng netizen sa larawan niya kasama ang controversial couple “Aj Raval and Aljur Abrenica [three hearts emojis]
“Tara sa Haiyan as a Friend [laughing in tears emojis]
“Haiyan Hotel lang sakalam [face with three hearts emojis]
Isa namang netizen ang nag-post ng larawan kasama sina Aljur at AJ, at ilan pang katao.
Dumalo ang magkasintahan sa launching ng isang local radio station doon.
Sabi ng netizen sa caption, “AJ Raval and Aljur Abrenica graces the launching of Radyo Kidlat and 50th birthday of golden boy GM Allan L. Laniba”
Sa kanyang Instagram Stories, nag-upload si Aljur ng ilang larawan sa nasabing event.

Pero hindi niya ipinakita si AJ na kasama niya sa event.

Nag-viral ngayong araw ang mga larawan nina Aljur at AJ na magkasamang dumayo sa Haiyan Hotel and Resort sa Tanauan, Leyte.
Huling nakita ng publiko na magkasama ang dalawa noon pang October 2021.
Wala pang post si AJ sa kanyang mga social media account tungkol sa bakasyon nila ng boyfriend.
