PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Paolo Gumabao willing to do unsimulated sex in a movie?

Paolo Gumabao relates "nabosohan" experience in a movie set.
by Jerry Olea
Published Feb 11, 2022
paolo gumabao movies
Paolo Gumabao on having masturbation scene in his three movies: “Oo nga, ‘no? Baka dapat, ang bansag sa akin, Totoy Bate, di ba? Hindi Totoy Golpe… Totoy Bate! Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: @paologumabao on Instagram

Kontrobersiyal ang eksenang nagsariling-sikap si Paolo Gumabao habang binobosohan sina Sid Lucero at Angeli Khang sa erotic drama film na Silip Sa Apoy, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Totoo ba yung astig na ibinuyangyang ni Paolo, o prosthetic?

“Mukha bang totoo para sa ‘yo?” napangiting sambit ng aktor sa virtual tsikahan nitong Pebrero 5, 2022, Sabado ng hapon.

Mas mukhang prosthetic!

“Ahh, well, ako naman, ang isasagot ko lang diyan lagi… I mean, I’m gonna let everyone’s imagination run wild.

“So, kung ano sa tingin ng tao, kung totoo man siya o hindi, hanggang dun na lang yun. Hanggang dun lang yung sasabihin ko,” napapangising tugon ni Paulo.

Maitim yung sa Silip Sa Apoy. Iba ang kulay sa ibinuyangyang niya sa launching film niyang Lockdown.

“Malay niyo, pag tumitigas, nagbabagong-anyo! Di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbibiro pa ni Paolo.

THE REAL THING

What if i-require ng direktor na maghubad siya and everything na ang erection ay hindi mapagdududahang huwad, kaya ba niya?

“Well, ako naman, pagdating sa ganyan, lagi ko namang sinasabi sa manager [Manny Valera] ko na, ‘Importante ang script saka importante kung paano mo kukunan ang eksena, at saka siyempre importante rin kung sino ang direktor.’

“Pero yung to the point na tototohanin mo talaga, for me… yes! Ahh… andun tayo sa daring side. Pero at the same time, ano tayo, e, we’re still actors just simulating these type of stuff,” lahad ni Paolo.

So, hindi talaga niya tototohanin?

“Hindi naman sa hindi tototohanin. Game naman ako,” pasubali ng hunk actor.

“Pero depende rin talaga kung sino yung direktor, at saka kung ano yung production, and kung maaalagaan ba. If it’s not gonna look alam mo yun, hindi siya magmumukhang basta-basta lang.

“I’ve seen a lot of French films actually. Nanonood ako ng French films, e. European films in general.

“Halimbawa, si Direk Gaspar Noe. I’ve seen his movie Love [2015], and what I know, from that movie, is that they were really making love. They were really having sex there.

“Siguro, kung mga ganun, let’s go. Laban tayo diyan, di ba?” sabi pa ni Paolo.

3D ang Love nang ipalabas sa Cannes filmfest sa France.

A DIFFERENT LOOK

Iba ang hitsura ni Paolo sa Silip Sa Apoy kumpara sa nauna niyang movies na Lockdown at Sisid. Mas malaman at toned ang kanyang katawang lupa.

“Alam mo yung nangibabaw talaga, ang ganda ng lighting ni Direk Mac!” masayang palatak ni Paolo.

“Napakaganda ng ilaw ni Direk Mac kaya ganun ang tama ng ano… Nagpakalbo ako for the movie.

“Nakausap ko si Direk when I read the script. And actually, ako ang nag-suggest nun, lahat.

“Yung hiwa sa kilay, yung piercing ko dito sa labi. Yung pagpapakalbo, those were all my ideas.

“Kasi, after kong i-shoot ang Sisid, gusto ko naman ng bagong look. Gusto kong iwasan yung every film ko, pare-parehas ang hitsura.

“I’m trying to aim like… sana, mangyari… I’m trying to be more of a character actor. Na every film I’m trying to, you know, change my physical appearance if possible. And if only bagay sa role.

“So, ikinonsulta ko muna siya kay Direk Mac, and sabi ni Direk Mac, ‘go’ daw. Actually, nagdala ako ng maraming piercings nun, e. Iba’t ibang klaseng piercings sa labi ko.

“So, pinapili ko si Direk Mac kung anong mas gusto niya, anong mas bagay. Yun ang napili namin, yung silver.”

paolo gumabao silip sa apoy

Nagpabutas talaga sa labi si Paolo para sa mga ganung sitwasyon.

“Pag may role ako and pwede akong maglagay ng piercing, bagay sa role… kasi, it helps you to fall into your character,” saad ni Paolo.

“Pag alam mo na yung physical appearance mo ay bagay sa karakter, it really helps you, you know, going into character.

“Iniba ko rin yung the way I act. Binago ko talaga lahat. Lalo na yung part na nag-shift na ako ng karakter.

“Saka siyempre, hindi naman mayaman si Alfred. Galing siyang kulungan, di ba? Kaya you know, I had to find a way to somehow take off my inner coñoness. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Nagdagdag pa siya ng tattoo na “Totoy Golpe,” na ayon kay Paolo ay nasa script.

Sa tatlong magkakasunod na movies ni Paolo na Lockdown, Sisid, at Silip Sa Apoy, pare-parehong may masturbation scene siya.

“Oo nga, ‘no? Baka dapat, ang bansag sa akin, Totoy Bate, di ba? Hindi Totoy Golpe… Totoy Bate! Ha! Ha! Ha! Ha!”

SILIP EXPERIENCE IN REAL LIFE

Sa totoong buhay ba, may nahuli na siyang sumisilip sa kanya?

“Ay, oo, meron na. Sa set ng Haunted Mansion [2015], na pelikula ko dati noong mga 16, 17 ako,” pagkunot-noo ni Paolo.

“Yung MMFF, Haunted Mansion ni Janella Salvador. Ahhm, nagbibihis ako sa tent, naka-brief lang ako, tapos napansin ko yung make-up artist, nakaupo.

“Tapos, ang ginagawa niya — hindi niya alam na napansin ko — bukas yung flash ng cellphone. Vini-video-han ako.

“So, sabi ko, ‘Anong ginagawa mo? Patingin nga ng cell phone mo?’ Pagtingin ko, bini-video-han ako buong time na nagbibihis ako.

“So, ako naman, sabi ko, ‘Wow!’ So, dinelete ko yung mga videos, tapos sinumbong ko agad sa EP [executive producer] namin.

“Tapos ayun, siyempre, that’s unacceptable na, e. Grabe na yung ganun, di ba? Minsan kasi, kung parang mapapatingin ka, OK lang. Pero yung bi-video-han mo ang tao, that’s crossing the line already.

“So, hindi na siya nakabalik for the next day of shoot dahil sa ganung isyu. Tinanggal na siya sa pelikula.”

Sana sumilip na lang yung make-up artist at hindi na nag-video!

“Oo, papayag naman ako, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! OK lang sa akin yun, gets ko na yun. Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Paolo.

Dapat silip sa apoy lang, hindi video sa apoy!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on having masturbation scene in his three movies: “Oo nga, ‘no? Baka dapat, ang bansag sa akin, Totoy Bate, di ba? Hindi Totoy Golpe… Totoy Bate! Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: @paologumabao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results