Hindi nakaligtas sa mapagmasid na netizens na 23 katao na lamang ang kasalukuyang pina-follow ni Toni Gonzaga sa kanyang Instagram account.
Miyerkules, February 9, 2022, napansin ng netizens na 22 lang ang pina-follow ni Toni sa kanyang IG account.
Kabilang dito ang asawang si Paul Soriano, kapatid na si Alex Gonzaga, ina na si Pinty Gonzaga, at mother-in-law na si Marissa Soriano.
Tanong ng ilan, nag-unfollow nga ba si Toni sa Instagram?
Ngayong Huwebes, February 10, nag-follow si Toni sa ninong niya sa kasal at pinapaborang presidential candidate na si Ferdinand Marcos Jr.

Si Toni ang naging host ng proclamation rally nina Marcos Jr at Sara Duterte-Carpio ng UniTeam sa Philippine Arena sa Bulacan, February 8, 2022.
Hot topic si Toni dahil ang kinampihan niyang partido ay kinabibilangan ng mga pulitikong responsable sa pagpapasara ng kanyang home network, ang ABS-CBN.
Si Toni ay 17 years nang ABS-CBN artist, at sumikat nang husto bilang host-actress dahil sa Kapamilya network.
Kaya maraming Kapamilya supporters, pati na ilang celebs, ang nagalit at nadismaya sa pagiging solid supporter ni Toni sa Marcos-Duterte tandem ng UniTeam.
Noong 2020, ipinasara ng Duterte-dominated Congress ang ABS-CBN nang ibasura nila ang franchise renewal application ng broadcasting giant.
Pero sa mga binitawang salita ni Toni sa proclamation rally, solido ang suporta niya sa UniTeam. Makikita rin ito sa kanyang recent Instagram Stories.
Sa rally, todo-puri rin si Toni sa pagpapakilala sa senatorial candidate ng UniTeam na si Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta.
Isa si Marcoleta sa bumoto ng YES para matanggalan ng franchise ang ABS-CBN.
Nag-share din si Toni ng post ng fan na “unbothered” siya sa kabila ng batikos sa kanya.
Tila nais ipahiwatig ni Toni na di siya apektado sa mga batikos sa kanya.
Nag-trending pa nga si Toni na tinaguriang “unbothered queen” ng kanyang supporters.
EAGLE-EYED NETIZENS NOTICE TONI’S LIMITED FOLLOWING
Maraming supporters ni Toni ang natuwa sa kanyang pagiging "unbothered" sa kabila ng batikos.
Narito ang ilan sa komento nila:

Pero mabilis din ang mga mata ng ibang netizens na napansing maraming in-unfollow si Toni sa Instagram, kabilang ang mga kaibigang artista.
Bukod sa kanyang family members at si Marcos Jr., wala nang iba pang pina-follow na celebrities si Toni.
Puna ng ibang netizens, unbothered pero nag-unfollow ang actress-host ng mga tinatawag na kaibigan.
Tweet ng isa: “#UnbotheredQueenToniG pero she unfollowed so many sa kanyang Instagram? Is she really unbothered?”
“Unbothered ka? Eh bakit ini-unfollow mo yung sinasabi mong kaibigan?” komento ng isa pa.
Komento ng isa pang netizen: “Akala ko ba unbothered si Toni? Bakit nag-unfollow na ng mga celebrity friends sa IG?”
Sabi ng isa pa: “Toni be saying she’s unbothered then unfollow the other artists on her IG account. Okay, Toni.”
May nagkomento ring unbothered daw si Toni pero dinelete nito ang kanyang komento.


Samantala, napag-alaman ng PEP.ph na kakaunti lamang talaga ang pina-follow ni Toni sa Instagram.
Taliwas sa akusasyong nag-unfollow siya ng celebs.
Sa pinaka-latest post ni Toni ng announcement niya ng pagbibitiw bilang long-time host ng Kapamilya reality show na PBB, may ilang celebrities na nagkomento at nagpakita ng suporta sa kanya.
Kabilang dito sina Bianca Gonzalez, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros na vocal na sinusuportahan ang presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
May iba pang artistang nagkomento, gaya nina Mariel Padilla, Aga Muhlach, Maymay Entrata, at Gretchen Barretto. Pero hindi sumagot si Toni.
Ang sinagot lamang ni Toni ay isang make-up artist na nagkomentong reputasyon na ng actress-host ang pagiging PBB host.
Makahulugang sagot ni Toni: “Great things ahead…”
