PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame visits Aga Muhlach, Charlene Gonzalez

Aga Muhlach on surprise visit of Willie Revillame: "Masayang kwentuhan…"
by Arniel C. Serato
Published Feb 8, 2022
Willie Revillame dines with Aga Muhlach, Charlene Gonzalez
Aga Muhlach and Charlene Gonzalez get a surprise visit from Willie Revillame at their home: "Surprise visit from a dear friend… Nice seeing you Willie. Ang saya."
PHOTO/S: Courtesy: @agamuhlach317 on Instagram

Kasunod ng balitang hindi lamang talent kundi posibleng may mataas at mahalagang posisyon si Willie Revillame sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), tila sinisimulan na ng TV host ang pang-eengganyo ng malalapit niyang kaibigan para umanib sa kanila.

Sa Instagram kagabi, February 7, 2022, ibinahagi ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ang kanilang dinner kasama si Willie.

Surprise visit daw ito ng Wowowin host sa kanilang bahay.

Sabi ni Aga sa caption ng kanyang post: “Masayang kwentuhan… Maraming salamat sa surpresang pag bisita samin, Wil! [toast emoji] #damingganap [winking face emoji] @itsmecharleneg

View this post on Instagram

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)

Nag-post din sa kanyang Instagram Story si Charlene.

Aniya, “Surprise visit from a dear friend….

“Nice seeing you Willie. Ang saya. @agamuhlach317”

Si Aga ay kasalukuyang may game show sa Net 25, ang Tara Game, Agad Agad.

Willie Revillame dines with Aga Muhlach and Charlene Gonzalez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ilang-usap-usapan, ang ilan sa mga kinakausap ni Willie upang samahan siya sa AMBS ni former senator at business tycoon Manny Villar ay sina Randy Santiago at John Estrada.

Matalik na magkaibigan ang tatlo na nagsimula pa noong Masayang Tanghali Bayan (MTB) sa ABS-CBN.

Sa kanya namang Facebook Live noong Linggo, February 6, pabirong ibinuko ni Anthony Taberna na tinanong daw siya ni Willie kung kailan magtatapos ang kanyang kontrata sa DZRH.

Kasama rin kasing naigawad ng National Telecommunications Commission sa AMBS ang dating radio frequency ng DZMM.

Saad pa niya, “E, natawa ako dito kay Kuya Wil, e, mukhang pipiratahin pa ako. Mga bossing ko sa DZRH ha, gusto ko lang ikuwento ito, ang message sa akin ni Kuya Wil kaagad, ‘Hanggang kailan ba ang kontrata niyo sa DZRH?’

“Kukunin pa yata ako.”

Magkababayan sina Anthony at Willie sa Cabanatuan.

Hanggang sa February 11 na lamang mapapanood sa GMA-7 ang Wowowin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimula naman ang test broadcast ng AMBS Channel 2 sa February 14.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach and Charlene Gonzalez get a surprise visit from Willie Revillame at their home: "Surprise visit from a dear friend… Nice seeing you Willie. Ang saya."
PHOTO/S: Courtesy: @agamuhlach317 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results