First anniversary presentation ng Vivamax ang erotic drama na Silip Sa Apoy, na pinagbidahan nina Angeli Khang, Sid Lucero, at Paolo Gumabao, sa direksyon ni Mac Alejandre.



Mahigit 250K views agad ito sa unang weekend (Enero 28-30), the highest ever sa kasaysayan ng nasabing streaming platform. Maski sa US at Canada ay nanguna ang pelikula.
Sabi-sabi, labis ang skin exposure ng mga bida sa erotic drama, partikular na si Angeli.
Sa virtual interview kay Paolo nitong nakaraang Sabado ng hapon, Pebrero 5, inusisa ng PEP ang aktor kung sa pananaw ba niya'y na-exploit sila sa Silip Sa Apoy.
“I don’t think there was anyone who was exploited in the film,” mabilis na tugon ni Paolo.
“Ahhm, I was there, andun po ako nung shoot, and nakita ko po kung paano ipaliwanag muna ni Direk Mac yung mga gusto niyang makita, o yung mga gusto niyang gawin namin.
“And never niyang ipinaramdam sa amin na, ‘Ito ang kailangan ninyong gawin, ha?! Pag hindi ninyo ito ginawa, naku!’
“Hindi. In-explain niya po sa amin na maayos, nang madetalye, saka tinatanong niya muna sa amin. Lahat naman po kami, pumayag naman po sa lahat ng ipinapagawa sa amin ni Direk.
“Dahil syempre, ahhm… andun po yung… you want to make it real, e. So, lahat naman ng sinasabi ni Direk Mac, naniniwala naman kami.
“Sa totoong buhay, yun talaga ang gagawin mo.”
REALISTIC SEX SCENES
Makatotohanan ang mga eksena ng pagtatalik nina Paolo at Angeli sa Silip Sa Apoy. Para bang swak na swak. Hindi halatang naka-plaster sila pareho.
Natatawang lahad ni Paolo, “Parang totoo, ‘no? Actually, nung nakita ko nga rin, parang sabi ko, ‘Wait lang! Naka-plaster ba ako nun o totoo na yun? Ha! Ha! Ha! Ha!
“Depende 'yan kung paano mo gagawin, e. Yung paggalaw. The way your hips move during the scene… depende, e.
“Kasi, may mga ibang mga naka-plaster, tapos medyo mahahalata mo. It’s because of the movement.
“E, kasi ako noon, I was focusing on… in real life, how would I do it?” pagtangu-tango pa ng hunk actor.
Ang kuya niyang si Marco Gumabao, kitang-kita ang plaster sa isang love scene nito with Kylie Verzosa, sa pelikulang My Husband, My Lover, na idinirek din ni Mac Alejandre.
At least, hindi nakita ang plaster ni Paolo sa Silip Sa Apoy.
“May mga eksena ako roon na tumatayo ako, nakahubad ako, pero naka-plaster ako nun,” kuwento pa ni Paolo.
“Kasi ako, lagi kong inaalala, pag nasa set kami, tinitingnan ko yung shot before kami umeksena.
“Like, lalapit ako sa cameraman, ‘Kuya, patingin ako ng anggulo mo,’ before mag-eksena. Tinitingnan ko yung mga ganung bagay para alam ko kung paano ako aanggulo.
“Halimbawa, yung eksena na ipinakita ko yung butas kay Angeli, alam ko kung saan yung camera nun, e. Kaya pagtayo ko, alam ko kung paano siya aangguluhan. Alam ko kung paano ako pupuwesto para itaas doon si Angeli, to make it natural.”
Sa mga pelikulang Lockdown at Sisid ay walang plaster si Paolo. Sa iWant series na Mga Batang Poz (2019) siya unang nag-plaster.
"WE'RE NOT PORN STARS"
Para kay Paolo, si Angeli ang pinakaseksi at pinakamaganda sa Vivamax stars.


Na-turn on ba siya sa kanilang lampungan? Muntik na bang matanggal ang kanyang plaster?
“Actually, this is a common misconception para sa akin, when it comes to scenes like this,” pagbuntong-hininga ni Paolo.
“Like ako, halimbawa, meron po akong mga kaibigan, nung napanood nila ang Silip Sa Apoy, may mga kaibigan ako, may mga circle of friends ako na hindi natin maiiwasan yung mga lalaki na, ‘Uy, pare, kumusta si Angeli, pare?’ gumaganun sila.
“So like, for me… ahhm… pagdating sa eksena, never akong nagkakaroon ng malisya. Hindi siya nangyayari.
“Yes, naiintindihan ko na it looks real, and then, it looks like we’re feeling it… and totoo, kailangan mong ramdamin sa utak mo na you’re having sex, you’re making love.
"Pero at the same time, at the back of your head, kailangan mo laging alalahanin na, ‘We are just simulating sex, we are not having sex.’
“I think, pag umabot sa point na nalibugan ka, or tumigas, I think that’s when it becomes, you know, unprofessional.
“Kasi, we’re still actors, e. We’re not porn stars. It has to be at the back of your head na sini-simulate niyo lang ang sex, hindi totoo ang nangyayari.”
FOR PAOLO, RESPECT CONQUERS LUST
Hindi siya marupok? Minsan kasi, kusang nagagalit iyon o nabubuhay kapag nadadarang. Hindi pa nangyari iyon sa kanya?
“I have too much respect for the craft, and I have too much respect for my co-actors, lalo na for Angeli,” pagtangu-tango ni Paolo.
“Ahhm, kasi, alam n’yo po ba, si Angeli po kasi… yes, nagpapa-sexy siya, pero pag nakilala n’yo po siya sa person, sobrang hinhin niya po!
“Hindi mo makikita sa kanya yung ganung side niya talaga.
“So, ako, nung time na ginagawa ko yun, I was doing my best to protect her. I was doing my best to make sure she felt comfortable doing the scenes with me.
“Actually, before kami pumunta sa shoot, minessage ko na siya. Nag-approach na ako. Minessage ko siya sa Instagram.
“Sabi ko, ‘Hi, Angeli. This is Paolo. I’ll be playing as Alfred in our next film Silip Sa Apoy. Looking forward to working with you.’
“So, pagdating sa set, ahhm… before we shot the love scenes, kinausap ko talaga siya sa gilid.
“Sabi ko, ‘I’m gonna try my best to make you feel comfortable, and whenever you feel na there’s something na nangyayari na hindi mo gusto, just let me know, OK.’
“So, hayun, I have too much respect for the craft and too much respect for my co-actors to actually really feel something na matigasan ka or malibugan ka.
“I think it’s our job as actors to know how, and learn how, to control our emotions, not only when it comes to crying scenes, pero when it comes to love scenes also.”
