PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang shows dramatic prowess in second Magpakailanman episode

Pokwang plays a make-up artist and a mother in a Magpakailanman episode.
by Rommel Gonzales
Published Jan 29, 2022
pokwang magpakailanman
Pokwang: "Best part of being a Kapuso ay yung pagbukas nila ng pinto sa akin. Yung pagtitiwala nila sa talento na mayroon ako, at yung pagbibigay nila muli ng pagkakataong makita ako ng mga tagasubaybay sa TV."
PHOTO/S: GMA Network

Muling mapapanood si Pokwang sa isang fresh episode ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi, January 29, 2022, sa GMA-7.

Ito ang ikalawang pagkakataong gumanap ang comedienne bilang bida sa Magpakailanman.

“Isang karangalan na muli akong magbibida sa Magpakailanman," pahayag ni Pokwang sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng e-mail, Biyernes ng gabi, January 28.

“I'm always looking forward naman sa mga ganitong klase ng proyekto para hindi lang yung pagiging komedyante ang lagi kong naipapakita, mayroon ding drama side.

“Nakaka-proud i-portray yung buhay ng mga kababayan natin lalo yung malalapit sa puso natin.

"Katulad nitong si Nanay Estrella, kaibigan ko siya. Hindi ko alam na ganoon pala yung pinagdaanan niya kaya sobrang na-excite ako na gawin itong MPK.”

Matutunghayan ang buhay ni Star, na gagampanan ni Pokwang, sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Liwanag Ng Bituin: The Estrella "Star" Besabe Story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama niya rito sina Jon Lucas bilang Erwin, Royce Cabrera bilang Jinkee, at Dave Bornea bilang Lucky. Mula ito sa direksiyon ni Monti Puno Parungao, sa pananaliksik ni Georis Tuca, at sa panulat ni Vienuel Ello.

Ang kuwento ay tungkol kay Star o Estrella na nakilala bilang make-up artist ng mga artista.

May dalawa silang anak ng mister niyang nag-migrate sa Amerika — sina Erwin at Jinkee.

Sa simula ay maayos ang lahat. Regular na nagpapadala ng sustento at tumatawag ang asawa ni Star. Hanggang sa isang araw ay wala nang nabalitaan si Star tungkol sa kanyang mister at maging ang sustento nito ay nahinto.

Inilihim ito ni Star sa kanyang mga anak, at sa halip ay nagtrabaho nang mabuti upang pagtakpan ang kawalan ng suportang pinansiyal ng kanyang mister.

Hanggang sa nakatanggap siya ng sulat kung saan nakasaad na ang mister niya ay may iba nang pamilya sa Amerika, at ang masakit pa nito ay si Star ang sinisi ng kanyang mga anak sa pagkasira ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilakasan ni Star ang kanyang loob at ipinagpatuloy ang pagtataguyod sa kanyang mga anak, hanggang sa muling umibig si Star. Dito nagsimula ang panibagong mga kalbaryo sa buhay ni Star.

Paano naka-relate si Pokwang sa karakter ni Star sa Magpakailanman?

“Doon sa una kong pagganap sa MPK, isa akong madiskarteng nanay, yung gagawin ang lahat para lang kumita para sa mga anak.

“Ngayon naman, single mom yung character ko. At alam naman ng lahat na matagal din akong naging single mom. Pareho din kaming nawalan ng anak kaya sobrang nakaka-relate pa rin ako sa character ko ngayon.”

pokwang magpakailanman

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BATTLE WITH COVID-19

Ipinagtapat naman ni Pokwang na pinagdaanan ng kanyang pamilya ng COVID-19.

Unang linggo ng Enero ngayong taong ito ay tinamaan si Pokwang ng coronavirus at sa awa ng Diyos ay gumaling agad.

Ano ang naging sandata nila para malampasan ang pangit na kabanatang ito sa buhay nilang mag-anak? Ano ang natutunan ni Pokwang sa pagiging COVID survivor?

Saad niya, “Hindi ko masasabing pangit talaga yung naging COVID experience namin kasi, dahil naman doon, mas nakita namin yung kahalagahan ng malusog na pangangatawan.

“Iyong pag-aalaga sa sarili at sa pamilya mas lalo napagtibay dahil doon.

“Mas maalaga kami ngayon sa health namin at mas nag-iingat kami.”

BEING A KAPUSO

Isang dating Kapamilya na lumipat sa GMA-7 at ngayon ay isa nang Kapuso. Ano ang “best part of being a Kapuso”?

Tugon ni Pokwang, “Best part of being a Kapuso ay yung pagbukas nila ng pinto sa akin.

“Yung pagtitiwala nila sa talento na mayroon ako, at yung pagbibigay nila muli ng pagkakataong makita ako ng mga tagasubaybay sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bukod diyan, napalapit ako doon sa mga malalaking artista ng GMA kaya naging malapit na sila sa puso ko.

“So, iyon yung masasabi ko na best part of being a Kapuso.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang: "Best part of being a Kapuso ay yung pagbukas nila ng pinto sa akin. Yung pagtitiwala nila sa talento na mayroon ako, at yung pagbibigay nila muli ng pagkakataong makita ako ng mga tagasubaybay sa TV."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results