Maayos pa rin ang pakikitungo sa isa’t isa ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen Barretto.
Ito ay sa kabila ng civil relationship ni Claudine sa isa pa niyang ate na si Marjorie Barretto.
Maraming followers ang Barretto sisters na natuwa nang makita nilang magkasama sina Claudine, Marjorie, at iba pa nilang mga kamag-anak na nagdiwang ng Bagong Taon sa Olongapo.
Samantala, hindi pa rin maayos ang ugnayan nina Gretchen at Marjorie. Wala rin si Gretchen sa nasabing family event.
Sa Instagram post ni Gretchen noong January 22, 2022 tungkol sa kanyang pasasalamat sa frontliners, nagkomento rito si Claudine.
Sabi ni Claudine tungkol sa kanyang nakatatandang kapatid: “Soooo beautiful my Ate [three hear emojis]”

Sumagot naman si Gretchen sa bunsong kapatid.
Sabi niya, “@claubarretto my baby girl, you are the most beautiful to me my love [heart, starstruck emoji] miss your pretty face & bratty ways [crown emoji]”

CIVIL RELATIONSHIP
Sa digital media conference ng Deception noong January 24, tinanong kay Claudine ang pagsasama nila ni Marjorie sa pagsalubong sa pagpasok ng 2022.
Related Story: Claudine Barretto spotted with estranged sister Marjorie in family reunion; have they reconciled?
Lahad niya, “My mom just got out of the hospital two days ago because of COVID.
“Yes, we had a great New Year. Sinalubong namin ang bagong taon na sobra-sobrang masaya dahil magkakasama kami ng pamilya, ng buong pamilya ko.
“It was such a touching experience. Nakaka-miss yung mga pamangkin ko, nakasama ko ulit.
“Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na... wala nang gulo. Alam mong may peace na."
Dagdag ni Claudine, "It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat.
"I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko."
FAMILY FEUD IN 2019
Muling sumiklab ang alitan ng Barretto sisters nang pumanaw ang ama nilang si Miguel Barretto noong October 2019.
Sa burol ni Miguel, noong gabi ng October 16, 2019, naganap ang pagkakaayos ng mag-inang Inday at Gretchen na ilang taon ding may malalim na hidwaan.
Pero noong gabing ring iyon, nangyari ang mainit na kumprontasyon sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie na may hiwalay na hidwaan mula pa noong huling bahagi ng 2014.
Nang sumunod na gabi, October 17, 2019, sina Marjorie at Claudine naman ang nagkainitan at nagkasakitan dahil sa away pa rin nina Marjorie at Gretchen.
Mula noon ay hindi na nakitang magkasama sina Gretchen at Marjorie.
