PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda takes a swipe at Lolit Solis; condemns "Marites" culture

Vice Ganda pokes fun at Lolit Solis on It's Showtime.
by Bernie V. Franco
Published Jan 21, 2022
vice ganda
Vice Ganda relates being a "Marites" to other criminal acts: “Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, [then] Marites."
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)

Nagpasaring si Vice Ganda kay Lolit Solis sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime ngayong Biyernes, January 21, 2022.

Nagsalita rin si Vice tungkol sa hindi mabuting naidudulot ng pagiging “Marites” o chismosa sa panahon ngayon.

Malinaw na reaksiyon ito ni Vice sa recent Instagram post ni Lolit ukol sa balitang nagpa-power trip umano ang comedian-host sa It’s Showtime.

Sabi pa ng veteran columnist sa kanyang post noong Miyerkules, marami raw “horror story” tungkol kay Vice bilang host ng Kapamilya noontime show.

Nagkomento si Jugs Jugueta sa post ni Lolit para ipagtanggol ang co-host na si Vice.

Ani Jugs: “Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita…

“MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!!”

Malinaw na ang ibig sabihin ni Jugs ay hindi totoo ang mga nasagap ni Lolit ukol kay Vice.

Related Story: Jugs Jugueta nicely shuts up Lolit Solis over her post about Vice Ganda’s "power tripping" in It’s Showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE MENTIONS LOLIT ON IT'S SHOWTIME

Sa post ni Lolit, maraming netizens ang nagsabing madalas tablahin ni Vice ang co-hosts niya at maging ang contestants.

Sa opening spiels pa lang ni Vice sa It’s Showtime ngayong Biyernes, halatang sinasadya niyang maging mapanlait sa kanyang co-hosts.

Sabi ni Vice sa isang punto ng show: “Kailangan alam niyo kung ano yung mga characters, mga inaarte lang.”

Nais ikatuwiran ni Vice na ang panlalait niya sa mga kasamahan ay parte lang ng kanilang biruan.

Kinatigan naman nina Ogie Alcasid at Amy Perez si Vice na pamilya ang turingan nila sa show.

Sa segment na "Showtime Sexy Babe" ng show, ilang ulit nagpahaging si Vice kay Lolit.

Sa isang punto, nagkabiruan ang hosts at sinabi ni Vice na may pananampalataya siya kahit hindi alam ng iba.

“Akala niyo… may pananampalataya ako!” saad ni Vice.

“Naniniwala naman kami, e,” sagot ni Ogie.

“Hindi, e. Si Lolit, e,” hirit ni Vice. “Natatawa lang ako. Sinagot ni Jugs [si Lolit].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang punto, sinabi ni Vhong na siya ay “good” at si Vice ay at “bad.”

Hirit ni Vice kay Vhong: “Good ka, bad ako? Siguro ikaw yung source ni Lolit Solis, 'no?”

Sundot ng natatawang si Vice: “Yung mga chismis nila. Andami na nilang chismis sa Showtime,‘tapos tumatawa na lang tayo.”

VICE SLAMS THE “MARITES” CULTURE

Sa pareho ring segment, nagsalita si Vice tungkol sa pagiging Marites o chismosa ng mga tao ngayon.

Sabi niya, dapat piliing mabuti ang pinag-aaksayahan ng oras sa social media, halimbawa ay sa YouTube.

Litanya ni Vice, “Depende iyan sa mga sina-subscribe-an niyo, e, kung saan mo ine-expose yung sarili mo.

“Nakukuha mo yung energy na iyon kung yung mga sina-subscribe niyo, pinapanood, o binabasa, masasaya [ay] gumaganda [ang energy niyo].

“Pag sina-subscribe niyo, pinapanood niyo, pinapakinggan, pinaniniwalaan o binabasa yung mga pangit na chika, nakakapangit iyan.

“Kaya, di ba, ang mga pinakapangit na tao sa mundo yung mga Marites?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinondenda ni Vice ang kulturang Marites at inihanay ito sa maling gawain.

Sabi niya, “Kasi pagkatapos ng mga magnanakaw, Marites na iyon, e. Ganoon kapangit.

“Na-realize ko, lalo na nung end of 2021, parang masyado nating ginagamit yung term na Marites, akala ng mga tao cute iyon.

“Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No.

“Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, [then] Marites.”

Sundot ni Vhong, maraming pamilya ang nasisira dahil sa mga Marites.

Pagsang-ayon ni Vice, “Korek. Tsaka yung purpose, yung intent [is] evil. Huwag niyong pina-follow yung mga ganoon.”

LOLIT’S NEW POST ABOUT VICE

Samantala, ngayong araw rin ng Biyernes ay nag-post ng update si Lolit ukol sa pagkokomento ni Jugs.

Sabi ng talent manager, na-appreciate niya ang ginawang paglilinaw ni Jugs.

Bahagi ng post ni Lolit: “According kay Jugs happy lahat sila sa Showtime. Well and good.

“Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid.”

Nagkomento naman si Jugs at nagpasalamat.

vice ganda

vice ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda relates being a "Marites" to other criminal acts: “Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, [then] Marites."
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results