PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Veteran comedian Don Pepot dies at 88

Don Pepot did more than 100 films.
by Jojo Gabinete
Published Jan 19, 2022
don pepot passes away
Veteran comedian Don Pepot, Ernesto Fajardo in real life, passes away on January 18, 2022. He was 88.
PHOTO/S: Facebook / GMA Network

Pumanaw ang veteran comedian na si Don Pepot, Ernesto Fajardo sa tunay na buhay, 8:35 ng gabi nitong Martes, January 18, 2022.

Siya ay 88 taong gulang.

Ang anak ni Don Pepot na si Michael Fajardo ang nagkumpirma ng balita tungkol sa paglisan ng kanyang ama dahil sa pneumonia.

Nagsimula ang acting career ni Don Pepot noong 1964, at mahigit sa isandaang pelikula ang nagawa niya noong aktibo pa siya sa showbiz.

Si Agimat,Si Enteng Kabisote at Si Ako, official entry sa Metro Manila Film Festival 2012, ang huling proyekto ni Don Pepot.

Ang tribute na ibinigay sa kanya sa Sunday PinaSaya ng GMA-7 noong July 2018 ang huling pagkakataong napanood siya sa telebisyon.

Ginawaran si Don Pepot ng Sunday Pinasaya ng kauna-unahang Puso ng Saya award dahil sa pagbibigay niya sa publiko ng aliw at inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

don pepot tribute

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 2005, si Don Pepot ang tumanggap ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa 53rd FAMAS dahil sa mga kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang komedyante.

Ang kapwa komedyanteng si Apeng Daldal ang itinuturing na mentor at discoverer ni Don Pepot.

Naging biktima ng fake news si Don Pepot noong February 2014 nang kumalat ang balitang namatay na siya dahil sa kumplikasyon sa diabetes.

Ayon sa anak niyang si Michael, isa sa mga hindi niya malilimutang pangaral ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito ay ang itapon ang mabuti at pulutin ang masama.

“Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ninyo ang masama. Kaya ko sinabi na itapon ninyo ang mabuti para mapulot ng iba at sila ay maging mabuting tao.

“Pulutin nino ang masama, ibaon ninyo sa lupa at nang mawala ang masama,” ang life lesson ni Don Pepot na mananatili sa alaala ni Michael at ng kanyang mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Michael, iki-cremate ang mga labi ng kanyang ama sa Karuhatan de Solennelle ngayong Miyerkules ng umaga, January 19.

Ang wake naman nito ay magsisimula bukas, January 20, sa Solennelle Funeral Homes along Maysan Road, Valenzuela City.

don pepot dies

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran comedian Don Pepot, Ernesto Fajardo in real life, passes away on January 18, 2022. He was 88.
PHOTO/S: Facebook / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results