Nag-viral ang tila pagpapatama ng dating magkasintahang Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich tungkol sa nasayang nilang relasyon.
Pero kakatuwang pati ang Pinoy architect na si Oliver Austria ay nakisali rin sa hugot quote ng ex-couple.
Kahapon, January 16, 2022, nag-post ng mensahe sa Facebook si Oliver kalakip ng litrato ng dinisenyo niyang bahay nina Wil at Alodia na nakansela nang maghiwalay ang mga ito.
"Hi, Ako nga pala sinayang niyo," saad ni Oliver.

PLANNING THEIR DREAM HOME
Si Oliver ang nagdisenyo ng dream home nina Wil at Alodia noong magkasintahan pa ang dalawa.
Nag-vlog collab pa sina Wil, Alodia, at Oliver sa Baguio kunsaan nag-brainstorming sila sa gusto nilang ipadisenyong bahay sa kilalang YouTuber na Pinoy architect.
Mapapanood iyon sa October vlog ni Wil noong October 2021.
Pero noong November 14, 2021, isiniwalat ni Alodia na hiwalay na sila ni Wil matapos ang ilang taong relasyon.
Sinubukan daw nilang ayusin ang kanilang problema, pero sa huli ay minabuti nilang mag-break na lang.

WIL AND ALODIA'S RESPONSE TO OLIVER
Agad na nag-reply si Wil tungkol sa nasayang na home design ni Architect Oliver.
Sabi ni Wil, "Ok lang yan pre gawa tayo bago ulit."
Napa-reply din si Alodia ng teary-eyed at praying hands emoji.
Pati ang kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiengfiao ay nag-iwan din ng komento kay Oliver.
"Tag...ina sayang nga," ani Ashley.

Sobrang dami nang nag-react sa memes nina Alodia, Wil, at Oliver kaya hirit ni Alodia, "Tag pa more."

ALODIA'S "sINAYANG" MEME JUST FOR FUN
Pero noong January 14, una nang ipinaliwanag ni Alodia na wala siyang ibang intensiyon nang mag-post ng litrato niya kalakip ng caption na "Hi, ako nga pala yung sinayang mo."
Sabi ni Alodia, "Hi as a friend!
"Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intarweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!
"I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things..
"Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade."

