Mas bukas na ngayon si Roxanne Barcelo sa pagbahagi ng sweet photos nila ng foreigner husband niyang si Jiggs.
Kahapon, January 11, 2022, ipinakita ni Roxanne ang litrato nilang magka-date sa isang museum.
Caption ng singer-actress, "Our love is the sweet spot of being."
Noong January 1 ay may ipinost din siyang litrato nila kalakip ng pasasalamat na nahanap niya ang tamang tao para sa kanya.
"Happy New Year everybody!!!!
"Thank you, my mahal, for holding my hand and dancing through life with me! You are the moon to my river and the whirl to my wind.
"W? quánx?nquányì de ài n? [I love you wholeheartedly]! Cheers to the rest of our lives together."

Pero maingat pa rin si Roxanne na hindi i-tag ang kabiyak sa Instagram, at nakasara rin ang comments section sa Instagram post niya para marahil protektahan ang pribadong buhay ng mister.
"THE PANDA FAMILY" IN CALIFORNIA
Kasalukuyang nasa Alto, California si Roxanne dahil doon nakabase ang pamilya ng mister na dating tiga-Hong Kong at Taiwan.

Masaya raw si Roxanne dahil nakasama ng anak nilang si Cinco ang pamilya ng kanyang mister noong Pasko at Bagong Taon. Si Baby Cinco ay seven months old pa lang.
Ang tawag ni Roxanne sa kanyang mister at anak ay "#thepandafamily" dahil bata pa lang ang kanyang mister ay hilig na nito ang panda.

Sa isang vlog ni Roxanne, ikinuwento niya na noong magkasintahan pa lang sila ni Jiggs ay binigyan siya nito ng panda stuffed toy para maalala raw niya ang presensiya nito kahit hindi sila magkasama.
Ngayon ay naging tradisyon na rin nila ang pagiging "panda family."

