Umapela si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa mga taong nais tumulong sa mga biktima ng bagyong Odette na huwag mag-donate ng mga damit na ayaw na nilang suotin o kaya'y mga lumang underwear.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, January 4, ni-repost ni Katarina ang post ng isang netizen tungkol sa mga lumang damit na dinu-donate ng ibang tao.
Ayon sa mensahe ng netizen, hindi nila deserve ang mga “basura” ng ibang tao porket sila ay nabiktima ng delubyo.
Mababasa sa post: “Don’t donate clothes you won’t wear…..
“Hindi naman dahil walang wala na sila ay deserve nila ang basura ng mga tao….. sorry pero yung ibang nakuha namin na donation sobrang dumi at butas butas na.”
Nakiusap na rin ang model-beauty queen sa mga taong may busilak na puso na iwasang magbigay ng mga pinaglumaang damit sa mga biktima ng bagyo.
Caption ni Katarina: "Repost from @ruumac If there are holes in your clothes do not donate them…”

Sa isa pang post, tinag ni Katarina ang netizen na tila kaibigan niya.
Nakalagay sa post: “Also don’t donate your dirty panty or dirty underwear….
“If it’s not wearable (essential) clothes don’t send it.
“Please donate appropriate clothing!!! @ruumac”

Itinuturing ni Katarina na second home na niya ang Siargao Island.
Isa ang Siargao sa labis na naapektuhan ng bagyon Odette na nanalasa sa Visayas at Mindanao noong December 2021.
Napamahal kay Katarina ang Siargao nang inabutan siya ng community quarantine doon mula Marso noong nakaraang taon.
Sabi ni Katarina: "One thing I always tell people is everybody who's been in Siargao since lockdown in March, parang nasa bubble kami.
"Like we're in this snow globe away from the pandemic kasi wala pa kaming case dito. So they've been very strict.
"And it's really odd to see someone wearing a face shield. And even if it's a protocol to wear masks, we don't wear masks all the time.
"Only parang yung last week pa lang because they finally opened the island...
"I think we're just super blessed to not have been affected so much by the pandemic."
Sa ngayon ay patuloy pa ring bumabangon ang mga nasalanta ng bagyong Odette.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
