PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Guimary still grateful amid devastation of house in Cebu

Sunshine Guimary: "Puno ng pag-asa makaahon ang lahat in Jesus name amen."
by Arniel C. Serato
Published Jan 4, 2022
Sunshine Guimary still grateful amid damaged house
Sunshine Guimary: "Merry Christmas po sa lahat, kahit nabagyo at madilim ang aming Pasko, grateful pa rin sa lahat ng biyaya natangap galing sa Taas."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshine_guimary on Instagram

Malaki pa rin ang pasasalamat ng sexy star na si Sunshine Guimary dahil kahit nasalanta ang kanyang mala-mansiyong bahay sa Cebu, marami pa rin siyang biyayang natanggap noong 2021.

Sa kanyang Facebook noong December 25, araw ng Pasko, muling ipinakita ni Sunshine ang nasira niyang three-story house sa Cebu dahil sa malakas na bagyong Odette.

Sabi niya sa caption, kahit may pinagdaanang delubyo ang kanilang buhay, puno pa rin ng pag-asa ang kanyang puso na makakabangon sila mula rito.

Buong caption niya: “Merry Christmas po sa lahat, kahit nabagyo at madilim ang aming pasko, grateful parin s lahat ng biyaya ntangap galing sa taas [praying hands emoji] puno ng pag asa makaahon ang lahat in Jesus name amen [praying hands emoji]”

Noong December 17, 2021, ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram Stories ang labis na panghihinayang sa naipundar niyang bahay sa bayang sinilangan.

Sa isang larawan, ipinakita niya ang mga basag na salamin na nagkalat sa may hagdanan ng bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Sunshine sa caption: “Ubos na.”

Ipinakita rin niya ang basag na mga salamin sa second floor ng kanilang bahay, pati na ang bakod na bumagsak.

Nakilala si Sunshine sa kanyang kaseksihan at mapangahas na roles sa mga pelikula noong nakaraang taon.

Katunayan, sa kanyang unang pelikulang Kaka, bida kaagad ang sexy actress na natuklasan ng Viva dahil sa kanyang sexy photos sa Instagram.

Sa nasabing sexy-comedy movie, pinatunayan ni Sunshine na hindi lamang ito mandirigma sa kama — ang kanyang naging unang bansag — kundi tinawag na rin siyang bandida sa hubaran.

May breast at butt exposure si Sunshine sa Kaka.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary: "Merry Christmas po sa lahat, kahit nabagyo at madilim ang aming Pasko, grateful pa rin sa lahat ng biyaya natangap galing sa Taas."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshine_guimary on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results