PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto denies withdrawing candidacy for Olongapo councilor

"Tuloy po ang aking Pagtakbo. pls stop spreading lies & fake news."
by Arniel C. Serato
Published Dec 16, 2021
Claudine Barreto denies she's withdrawing her candidacy for councilor in Olongapo
Claudine Barretto: "Mga Palanggas ko sa Olongapo & Claudinians. DI PO TOTOO na Nag back out ako sa pagtakbo ng COUNCILOR OF OLANGAPO."
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Claudine Barretto ang kumalat na balitang aatras na umano siya sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Olongapo City.

Tinawag niyang “fake news” ang nasabing isyu.

Sa kanyang Instagram noong Sabado, December 11, ipinost ni Claudine ang isang screenshot galing sa Instagram ng isang entertainment website na nagsasabing umaatras na siya sa pagkandidato.

Ayon sa aktres, walang katotohanan ang kumakalat na balita. Nakiusap din siyang huwag nang magpakalat ng walang katotohanang balita.

Buong post ni Claudine: “Mga Palanggas ko sa Olongapo & Claudinians. DI PO TOTOO na Nag back out ako sa pagtakbo ng COUNCILOR OF OLANGAPO.

"Tuloy po ang aking Pagtakbo. pls stop spreading lies & fake news.

“Thank you po. have a great day @arnold_vegafria

Ayon pa sa kumalat na balita, sinabi raw ng isang veteran entertainment journalist na hindi na diumano sumasama si Claudine sa pag-iikot ng grupo ng manager na si Arnold Vegafria sa Olongapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw kasi tinupad ni Arnold ang pangako umano nito kay Claudine na ang talent manager ang gagastos lahat sa kampanya.

Si Arnold ay tumatakbong mayor ng lungsod.

"PUSO PARA MANILBIHAN"

Sa panayam ni Anthony Taberna kay Claudine sa kanyang YouTube at Facebook show na Tune In Kay Tunying noong October 24, ibinahagi ng aktres ang kanyang kagustuhang manilbihan sa Olongapo.

Alam daw ni Claudine na mas magulo ang mundo ng pulitika kaysa sa showbiz, pero ito raw ang tanging paraan upang mas mapalawak ang kanyang pagtulong sa mga tao.

Saad ng 42-year-old actress, “Oo nga, e, ang sabi nga nila mas magulo daw ang pulitika kaysa sa showbiz. Ang akin is mas makakatulong tayo sa tao kung nasa posisyon tayo.”

Aminado ang aktres na wala siyang kaalam-alam sa pulitika, pero may puso naman daw siyang gigiya sa kanya sakaling palarin.

Saad niya, “Wala akong experience sa pulitiko, wala rin akong masyadong alam sa pulitiko, pulitika, pero meron akong puso para manilbihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun lang ang kaya ko sa ngayon. Tapos kapagka, hopefully, manalo tayo, maihalal, dun mag-start ng political science o kung anuman para alam ko kung paano ba dapat ang gawin, papa'no ba ang tamang pamamaraan.

"Ano ba ang ginagawa ng isang konsehal? Lahat yun, slowly, inaaral ko. Inaaral ko.

"Sinasabi ko nga lagi, wala akong alam sa pulitiko pero meron lang akong puso para sa paninilbihan.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto: "Mga Palanggas ko sa Olongapo & Claudinians. DI PO TOTOO na Nag back out ako sa pagtakbo ng COUNCILOR OF OLANGAPO."
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results