PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eunice Lagusad recalls last moments of mother Regina

Eunice reveals what she will miss on her first Christmas without her mother.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 16, 2021
Eunice Lagusad and mom Gina
Prima Donnas cast member Eunice Lagusad on mourning her mom Regina's death: "May mga times na di ko po alam mararamdaman ko, iiyak na lang ako bigla... Natatakot para sa sarili ko. Paano na ako in the future? Wala akong mapagkuwentuhan ng araw ko... Wala na po yung nag-iisang 'Marites' ng buhay ko."
PHOTO/S: @eunicelagusad18 Instagram

Malungkot ang magiging Pasko ng Kapuso actress na si Eunice Lagusad, 23.

Sa darating na Pasko ang unang pagkakataong hindi niya makakasama ang inang si Regina Lagusad, dahil pumanaw ito noong September 30, 2021 sa edad na 45.

Binawian ng buhay si Regina dahil sa cerebral hemmorhage at hypertensive cardiovascular disease o pagkakaroon ng blood clot sa brain matapos ma-stroke.

Si Eunice ay dating child actress na nakilala bilang si Charming sa 2006 Kapuso prime-time series na Bakekang.

Kabilang siya sa cast ng upcoming Book 2 ng hit Kapuso prime-time series na Prima Donnas.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Facebook Messenger noong December 11, idinetalye ni Eunice ang mga huling sandaling nakapiling niya si Regina.

"September 29, 2021 ko po siya nadala sa hospital. Then, September 30 po siya nawala.

"Sobrang biglaan po talaga yung atake niya at wala pong connect sa naging sakit niya," bungad ni Eunice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya sa sakit ng ina, "Diabetic po si Mama. Type 2 diabetes. Pero ang cause of death niya is Cerebral Hemmorhage and Hypertensive Cardiovascular Disease.

"Stroke po and blood clot po sa brain. Uncontrollable sugar and blood pressure po."

Tandang-tanda ni Eunice ang huling pag-uusap nila ng kanyang ina noong araw na inatake ito ng stroke.

"Dapat po kasi, the day na inatake si Mama, mag-a-antigen na po ako for Prima Donnas Book 2.

"Ang huli po namin napag-usapan, basta ingatan ko daw po sarili ko sa taping. Ayusin ko daw po work ko dun. Usual na bilin niya po pag magte-taping po ako.

"Tapos si Mama, may mga lalakarin daw po siya habang wala po ako. Magmi-me time daw po siya."

Hindi akalain ni Eunice na ang biruan nilang mag-ina tungkol sa napipintong pagpasok niya sa lock-in taping ng Prima Donnas ay literal na magkakatotoo.

"Inaasar ko pa nga po siya the day before. Sabi ko, 'Bukas, Ma, wala ka nang anak.' Sumagot po siya, 'Bukas, wala ka nang nanay.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Literal po pala yung pagkakasabi niya," saad ni Eunice.

Pero hanggang sa huling sandali ni Regina noong September 30, ang kapakanan ng anak ang inisip nito.

"Pero yung pinaka-last words na sinabi po niya bago nung hindi na po siya makapagsalita, 'Lord, wag muna. Bata pa si Eunice,'" madamdaming saad ng Kapuso actress.

Eunice Lagusad

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON EUNICE SENSING LATE MOM'S PRESENCE

Tingin ni Eunice ay ilang beses nagparamdam sa kanya ang ina noong pumanaw na ito.

"Nung bago ko po malaman na nire-revive siya, narinig ko po yung sitsit niya.

"Sabi ko pa nga po, 'Ma, babalik ako diyan sa hospital. Teka lang, kukuha lang ako gamit tsaka isasama ko na si Kurt [my dog].'

"Then, sunod na paramdam po niya, nasa hotel quarantine na po ako for Prima Donnas, dinalaw ako ng butterfly sa hotel.

"Tapos [second] time po, nung first taping day ko for Prima Donnas nung nasa hotel na po ako sa location namin.

"Pero sa panaginip, never po."

May ibang mga kakilala ang mag-ina na nagsasabi kay Eunice na nakaranas din sila ng "pagpaparamdam" ng namayapang si Regina.

"May mga nagkukuwento lang po sa akin, may nakakita daw kay Mama sa ganitong lugar. Napanaginipan daw nila. Something like that po.

"Pero sa akin, bukod po sa butterfly, wala na po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung dog ko rin po, hindi niya hinahanap si Mama. Siguro kasi nasama ko po siya sa death bed ni Mama kaya alam niyang wala na po si Mama."

HOT STORIES

STILL GRIEVING OVER MOM'S PASSING

Sabi pa ni Eunice sa PEP.ph, lubos pa rin ang pagdadalamhati niya sa pagpanaw ng ina.

Nasanay siyang sila lang ng ina ang magkatuwang sa buhay kaya aminadong hirap siyang wala nang gagabay sa kanya.

Lahad ni Eunice: "There are times, lalo na ngayon nakauwi na po ako from lock-in taping.

"Siyempre, pag nandito po sa bahay, mag-isa, naaalala ko po siya. Parang may kulang po. Mga gamit niya, mga gawain niya sa araw-araw, yung routine po namin.

"Sobrang nami-miss ko po siya. Walang sumalubong sa akin pag-uwi.

"May mga times na di ko po alam mararamdaman ko, iiyak na lang ako bigla. Di ko alam kung nalulungkot ako. Masasaktan. Maiinis.

"Overthinking at its finest po ako. Natatakot para sa sarili ko. Paano na ako in the future?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala akong mapagkuwentuhan ng araw ko, [ng] nangyari sa taping," sentimiyento ni Eunice.

Sabay biro niya, "Wala na po yung nag-iisang 'Marites' ng buhay ko."

Ang Marites ay Filipino slang na tumutukoy sa "chismosang kapit-bahay" na nagsasabing "Mare, ano ang latest?"

Eunice Lagusad

ON EUNICE'S FIRST CHRISTMAS WITHOUT HER MOM

Single parent si Regina at lagi nitong sinasamahan si Eunice noong maging aktibo na ito sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya iba raw ang pakiramdam ni Eunice na ise-celebrate niya ang Pasko na nag-iisa na lang siya sa kanilang bahay.

Simple lang ang mga tradisyon nilang mag-ina na mami-miss niya.

Lahad ni Eunice: "Kapag Christmas po kasi, usually nasa bahay lang po talaga kami ni Mama. Bihirang pagkakataon yung lalabas po kami ng Christmas day mismo.

"Pero kapag Christmas Eve po, magluluto kami nang konti tapos pagdating po ng gabi, inaabangan po talaga namin yung last Simbang Gabi. 'Yon yung pinaka-bonding po namin together pag Christmas.

"And siyempre, time na rin po to celebrate and give thanks to the Lord para sa buong taon at buhay na ibinigay Niya for us. Tapos pag-uwi po tsaka po kami mag no-Noche Buena.

"Tsaka isa pa po, kapag holiday season, pinakagusto ko po yung pupunta kami ng mall. Sasabay sa Christmas rush sa grocery.

"Favorite season ko po kasi ang Christmas kaya natutuwa si Mama kapag alam niya po na it's that time of the year na ulit. Parang nagiging bata na ulit po ako sa paningin niya."

Kung may hindi raw nagawa si Eunice, iyon ay wala siyang naitagong Christmas gift na bigay ng kanyang ina.

"Sa totoo lang po, wala. Isa rin po yun sa pinagsisisihan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po kasi kami sweet ni Mama. In words and in material things," paliwanag ni Eunice."

Mas pinahalagahan ni Eunice na magkasangga sila ng ina sa hirap at ginhawa.

Patuloy ni Eunice, "As in para po kaming mag best friends.

"Tska po, kahit hindi po kasi Christmas, kapag alam po ni Mama na gusto ko, binibigay po niya sa abot ng makakaya niya at kung kaya naman po bilhin.

"And siguro, the fact na siya po yung naging nanay ko, yun po siguro yung pinaka-the best gift niya sa akin.

"She may not be the perfect and best mom, pero hinding-hindi ko po yun pagpapalit kahit sa next life ko.

"At siguro, yung magkakasama po kaming tatlo (mama, ako and my dog po) before, sapat na po sa amin yun.

"Kasi last year, nawala na din po sa min si Lola ko, kaya isa po yun sa eye-opener sa akin these past few years na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maiksi lang talaga po ang buhay. Hindi mo alam kung hanggang kelan ka mabubuhay. So might as well seize the moment."

Para naman kay Eunice, ang pinaka-best Christmas gift niya sa kanyang ina ay ang sarili niya.

"Yung magkaanak po siya na kasing ganda ko po. Ganda po ng product niya, di ba po? Charot!" sabi niya.

EUNICE ON WRITING LETTERS FOR HER MOM

Isa pang mami-miss ni Eunice ay ang hilig niyang magbigay ng letters sa kanyang inang si Regina. Iyon ang madalas na regalo niya rito.

Kuwento niya: "Kidding aside po, like what I mentioned earlier po, di po kasi kami materialistic ni Mama.

"Nung bata po ako, lagi ko po siyang binibigyan ng letter pag Christmas.

"Yung mga unang letters binabasa niya po, pero nitong mga huli, hindi na po pala niya binubuksan."

Bilang single mother ang kanyang ina, naiintindihan daw ni Eunice na pilit itong nagpapakatatag para sa kanya.

Patuloy ni Eunice, "Tinanong ko po siya, 'Ma, ba't di mo binubuksan bigay ko sa 'yo?' Sabi niya po, 'Ayoko. Maiiyak lang ako.'

"Mama maybe tough outside, pero sobrang soft po niya when it comes sa mga saloobin ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag nagte-thank you po ako sa kanya para sa lahat at sa mga personal na mga wish ko po para sa amin sa future. Kaya siguro di na po niya binubuksan."

Na-appreciate naman ni Eunice ang pagiging proud sa kanya ng ina.

"And siguro, isa pa po, binibigyan ko din siya ng flowers. Kahit one stem po or yung pastillias na flower, every occasion, Mother's Day, birthday, Christmas.

"Tapos kapag after nun po may lakad kami, ipagyayabang po niya yun sa kakilala namin na, 'Binigyan ako ng bulaklak ng anak ko.' Those simple things po."

THANKFUL TO PRIMA DONNAS FAMILY

Malaki ang pasasalamat ni Eunice sa buong cast and crew ng Prima Donnas (PD) Book 2 dahil binigyan siya ng panahon para maasikaso ang burol at libing ng kanyang ina bago siya pinag-taping.

Special mention niya sina Redgynn Alba (production manager), Erwin Hilado (executive producer), Gina Alajar (director), at Phil Lazaro (director).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang understanding po ng production sa akin, pati ng mga bosses...

"Na-mention ko nga po na dapat magte-taping na ako the day na inatake po si Mama.

"They gave me time to process naman po mga bagay-bagay bago nila ako pinabalik sa taping. At niyakap po nila ako sa set with open arms. Sobrang open arms," saad ni Eunice.

Ramdam daw niya ang pag-alalay ng mga ito sa kanya.

"May mga times na nalulungkot po ako sa set, pero andun po sila to console me and make sure na okey po ako.

"Kaya ang PD family, sobrang laking tulong po nila sa akin. And I found a new family and friends. Special mention diyan mga "Pri" ko. Di ko na po iisa-isahin para walang magtampo. Alam niyo na yun kung sino kayo.

"Basta po mga teens and [mga] taga-production po. Naging newfound siblings ko po sila sa set. And of course buong cast and staff po. Sobrang thankful po ako sa kanila. Super!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, naka-focus si Eunice sa trabaho.

"And super saya ko po ng taping namin. Nakalimutan ko kahit papa'no ang lungkot. Kasi yung bonding mas sobrang tight po ngayon dahil ilang weeks po kami magkakasama sa iisang hotel, kaya sobrang comfortable na po ng lahat.

"Parang di na nga po kami nagte-taping minsan sa sobrang enjoy ng bubble po namin. Parang magkakapit-bahay na lang po kami dun."

Ang paraan para maka-move on si Eunice ay ang maging busy lang parati sa trabaho at sa bahay. Nagagawa na rin niyang maging masaya kahit mag-isa na siya.

"Sa ngayon po, busy po ako sa bahay. Puro linis, linis, linis, laba, luto, house chores po. Tapos minsan lalabas, mag-isa or minsan nayayaya po.

"Nagpagupit po ako. Sign of rebellion. Wala nang magagalit sa akin na nagpaiksi po ako ng hair. Mumultuhin na lang po ako!

"So far, ginagawa ko pong busy sarili ko sa araw dahil pagdating ng gabi, pag di ko po pinagod sarili ko maghapon, nandiyan na po si sadness. Dinadalaw na po ako.

"And sabi po nila, acceptance is the key daw po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isipin ko na lang na, hindi na nahihirapan si Mama. Masaya na siya kasama ni Lord. Finally. Masaya na siya. No more pain."

Noong nakaraang December 13, ipinost ni Eunice sa kanyang Instagram ang pagpapa-bless ng ashes ng kanyang ina na nasa isang urn.

Hindi raw niya ito nagawa noong 40th day ng pagpanaw ng ina dahil nasa lock-in taping pa siya ng Prima Donnas.

Narito ang kopya ng post ni Eunice:

Eunice Lagusad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima Donnas cast member Eunice Lagusad on mourning her mom Regina's death: "May mga times na di ko po alam mararamdaman ko, iiyak na lang ako bigla... Natatakot para sa sarili ko. Paano na ako in the future? Wala akong mapagkuwentuhan ng araw ko... Wala na po yung nag-iisang 'Marites' ng buhay ko."
PHOTO/S: @eunicelagusad18 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results