Integral sa mga pelikula ni Direk Brillante Mendoza ang mga eksena ng hubaran at pagniniig.
Hindi basta isinalaksak upang magpalibog ang mga maseselang eksena sa Masahista (2005), Tirador (2007), Serbis (2008), Kinatay (2009), Ma’ Rosa (2016), at Palitan (2021), bagkus ay nagpatingkad ang mga iyon sa daloy ng kuwento, lalo pa’t nakahabi ang mga iyon sa reyalidad ng ating lipunan.
“Sinasabi na ang mga pelikula ko ay masyadong gritty,” pahayag ng multi-awarded director sa online launch ng aklat ni Boy Villasanta na SekSinema: Gender Images in Philippine Sex Cinema Enfolding Pandemia nitong Disyembre 15, Miyerkules.
“Mga out-of-the-box, masyadong sexy. Sabi nga ni Maria Isabel [Lopez], at least napaghubad ko siya.”
Singkuwenta anyos si Maria Isabel nang maghubad sa pelikulang Kinatay.
Pinakinggan ni Direk Brillante sa online book launch ang insights ng beteranang aktres na si Maria Isabel, at ng baguhang aktor na si Rash Flores na isa sa apat na bida ng Palitan.
Pagpapatuloy ni Direk Brillante, “Nakita ko ang dalawang side kung paano tinatrato at nakikita ang pananaw tungkol sa sex sa film.
“In the ‘70s, in the ‘80s, and sa generation ngayon. Siguro, we should consider na sa generation ngayon, at saka yung mga artista ngayon for that matter, hindi sila ganun kaistrikto.
“Unang-una, dahil na rin sa teknolohiya, naging accessible na lahat, e. Remember, even sa porn, I think we’re number one in terms of Pornhub users.
“Ibig sabihin, ang mga Pilipino, nanonood talaga sila ng porn. Ngayon, ano itong mga ginagawang pelikula tungkol sa sex?
“Nilalagyan sila ng kuwento para panoorin ng mga tao, at para maging interesado ang mga tao sa mga ganitong klaseng pelikula.
“Kaya ko nasabi ito, dahil sa mga artista na katulad nina Rash at Cara [Gonzales], nabigyan sila ng chance… at saka sa accessibility rin ng cinema ngayon, at saka yung acceptance ng society tungkol sa ganitong klaseng cinema.
“Unlike in the ‘80s, in the ‘90s, napaka-moralistic natin. Ang generation ngayon, konting click lang sa cell phone, makakapanood na sila ng porn.
“Sa streaming platform, anybody can watch sa cellphone nila. So, napakadali, naging accessible.
“Naging accesible na rin sa mga artista ang gumawa ng mga ganitong klaseng pelikula.
“And not to put down itong actors na ‘to… kasi, lahat naman ng artista somehow, dumaan din sa pagpapaseksi.
“And I don’t see anything wrong with that, kung maging sexy man. Sa totoo lang, kahit noong ‘70s at ‘80s, I think it has something to do kung ano yung perception mo sa trabaho mo.
“In the ‘70s and ‘80s, marami rin namang mga sexy at bold actors na nag-try. Pero sino yung na-retain?
“The likes of Maria Isabel Lopez. Why? Kasi, they took their profession seriously.
“Siguro, wala namang ipinag-iba 'yan kahit na yung mga generation ngayon, ‘no? Na depende 'yan kung paano ninyo itini-take yung trabaho niyo.
“Kung sexy actor ka and you just look at yourself as a sexy actor, at yun lang ang kaya mo, e, di… hanggang dun ka lang.
“But if you really take seriously your job, hindi lang sa paghuhubad dahil may vision ka sa career mo, sa trabaho mo, sa profession mo… then, mag-i-stay ka.
“Pero kahit na yun, marami yung ano. Bakit maraming mga scandal? Bakit maraming mga artista, o sa generation ngayon na mas OK sa kanila ang magkaroon ng scandal?
“Kasi, it’s their easiest way para makilala. And they don’t even mind.
“Ang generation ngayon, mas accepting, and at the same time, mas liberated.
“Kasi nga, parang regardless of our religion, and despite of our religion, hindi na nila masyadong nakikita yung moral discourse, kung ano man yung kanilang ginagawa.”
FRONTAL NUDITY
Streaming ang Palitan umpisa Disyembre 10, Biyernes, sa Vivamax. Bida rito sina Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Jela Cuenca, at Rash Flores.
Pahayag ni Rash, “Para sa akin, ang pagpo-frontal, kung kailangan naman sa story, bakit hindi ko gagawin?
“Lalo na si Direk Brillante ‘to, tiwalang-tiwala ako sa kanya. Kilalang-kilala naman siyang direktor, siyempre, international director siya.
“Kung kakailanganin naman sa story, why not? Ipapakita ko. Kung ano ang ikakaganda ng pelikula.
“Pero kung hindi naman kailangan, siyempre hindi naman po ako mag-aano, magpapakita ng private parts or what.
“But itong Palitan na ‘to, sobrang kailangan niya. Sobrang intense kasi ng mga eksena dito.
“Before pa lang kaming mag-start ng shoot, sinabi na sa amin ni Direk Brillante na, ‘Ganito yung tema ng ating pelikula. Kailangan talaga, nakahubad.’
“So, ‘Sige po, Direk, kung ano po ang gusto ninyo. Kung ano po ang ikakaganda ng pelikula, gagawin ko po.’”
Ayon kay Rash, maraming papuri siyang natanggap mula sa mga nakapanood ng nasabing pelikula. Andun pa rin ang respeto sa kanya, 'ika nga.
SEKSINEMA BOOK
Sumuporta si FDCP Chairperson and CEO Liza Diño sa online launch ng pinakabagong aklat ni Boy Villasanta.
Pahayag ni Chair Liza, “Congratulations, Kuya Boy for your book launch. Sana, maging part siya ng binubuo naming film media library sa FDCP.
“We’re actually right now collecting books on films, whether it is written here in the Philippines, or Filipino publications, even international.
“I’m happy to secure some copies. So, let us know how we can reach out and mag-purchase ng copies ng SekSinema.”
