Harnaaz Sandhu: Beaucon kontesera mula pa nung 17 years old siya
by Rommel R. Llanes Si Harnaaz Sandhu ang pangatlong Indian beauty queen na nakapag-uwi ng Miss Universe crown.
Bago siya, ang model-actress ding si Sushmita Sen muna ang nagpabilib sa mga judges sa Miss Universe 1994 na ginawa sa Pilipinas.
Nung 2000 naman sa Cyprus, isa pang Indian model-actress ang nagtagumpay sa Miss Universe beauty pageant sa katauhan ni Lara Dutta.
Si Harnaaz ay ipinanganak nung March 3, 2000 sa isang Sikh family sa Punjab, India, at kasalukuyang kinukuha ang kanyang master's degree in public administration sa Post Graduate Government College For Girls sa lungsod ng Chandigarh.
Bago naging Miss Universe 2021, si Harnaaz ay itinanghal munang Miss Diva Universe India 2021.
Pero nagsimulang sumali sa mga beauty contest si Harnaaz sa edad na 17.
Una niyang sinalihan ang Times Fresh Face Miss Chandigarh 2017 kunsaan siya ang nag-uwi ng titulo.
Sumunod ay napili siyang Miss Max Emerging Star India nung 2018.
Sumali rin siya sa Miss India 2019 ngunit nakaabot lang siya sa Top 12. Pero sa taon ding iyon, muli siyang sumali sa Femina Miss India Punjab beauty pageant at napanalunan ang korona.
Tinalo ni Miss India ang 79 na iba pang kandidato mula sa iba't ibang bansa, kabilang na ang second runner-up nang si Miss South Africa Lalela Mswane at ang first runner-up niyang si Miss Paraguay Nadia Ferreira.
#HarnaazSandhu #MissUniverse2021 #MissIndia2021
Video Producer / Editor: Rommel R. Llanes
Music: "Wehrmut" by Godmode
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph





