Hindi naubusan ng kuwelang updates si MJ Lastimosa, 34, sa katatapos na Miss Universe 2021 pageant sa Eilat, Israel.
Isa na rito ang insidenteng hinabol at sinita siya ng isang advisor ng Miss Universe pageant.
Napagkamalan daw siyang kandidata na napawalay sa grupo at kinuwestiyon kung bakit walang suot na sash kunsaan nakasulat ang nirerepresenta niyang bansa.
Nangyari ito sa isang event bago ang coronation night.
Natatawang kuwento ni MJ: "Lalabas na ako. Pupunta na ako sa coaster ni Ms. O. Hinabol ako ng ng adviser.
"Sabi niya, 'Where are you going?! Where are you going?! Where is your sash?!'"
Nagtatakang napalingon sa adviser si MJ, "Nagulat akiz! Akala niya candidate!"
Ikinuwento iyon ni MJ sa kanyang Kumu livestream kahapon, December 12, at nag-tweet din siya tungkol dito.

MORE OF MJ'S TWEETS
Hindi kataka-takang mapagkamalang kandidata si MJ dahil bukod sa nakapostura, certified beauty queen siya bilang Miss Universe Philippines 2014, na umabot noon sa Top 10 finalists.
Nagsampol siya sa mga kasama ng pang-beauty queen turn niya kapag rumampa sa stage.
May tweet din si MJ kunsaan pabiro niyang sinabi tungkol sa sarili, "Kahit na pagod 'to, di nababawasan yung ganda."
Kasama si MJ ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup na lumipad sa Israel para suportahan ang pambato ng bansa sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez, o kilala rin bilang Bea

MJ'S ALL-OUT SUPPORT FOR BEA
Todo-suporta si MJ kay Bea at panay ang post niya sa social media ng blow-by-blow update sa 70th Miss Universe coronation night.
May pag-hello pa siya sa pageant judge at Kapuso PrimeTime Queen na si Marian Rivera kahit medyo malayo ang puwesto nila.
Sobrang proud siya kay Bea na pumasok hanggang Top 5 finalists.
Sa sobrang excited daw niya ay katunog ng rocket ang tili niya.
Ani MJ, "Bat ganito yun tili ko parang nag launch na rocket palayo ng palayo."
Sa huli, humirit si MJ na kahit na Top 5 finalist si Bea ay hindi raw siya mahihiyang gawin itong photographer para sa OOTD picture niya kapag nagkita sila.

Si Miss India Harnaaz Kaur Sandhu ng India ang kinoronahang Miss Universe 2021.
Click here for the Miss Universe Top 16 finalists.
Click here for the Miss Universe Top 10 finalists.
Click here for the Miss Universe Top 5 finalists.
Click here for the Miss Universe Top 3 finalists.
