PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chie Filomeno names Alexa Ilacad as the "pinaka-bossy" PBB housemate

Chie Filomeno picks Madam Inutz as her PBB Big Winner
by Bernie V. Franco
Published Dec 9, 2021
chie filomeno alexa ilacad pbb
Ex-PBB housemate Chie Filomeno explains why she chooses Alexa Ilacad as "pinaka-bossy": “Yung authority kasi talagang nandiyan sa personality niya."
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)

Pinangalanan ni Chie Filomeno, 25, si Alexa Ilacad, 21, bilang pinaka-bossy na housemate.

Pero paliwanag ni Chie, nasa pagkatao raw kasi ni Alexa ang pagkakaroon ng “authority.”

Sina Chie at Alexa ay parehong housemates sa ongoing Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 at pareho ring Star Magic artists.

Na-evict na sa PBB house si Chie noong November 27, habang nasa loob pa rin ng Bahay ni Kuya si Alexa.

Ngayong Huwebes, December 9, guest si Chie sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.

Tinanong ng host na si Melai Cantiveros si Chie kung sino sa housemates ang “pinaka-bossy.”

Bago pangalanan, nagpaliwanag muna siya kung bakit ang housemate na ito ang kanyang napili.

Ani Chie, “Kasi naiintindihan ko yung pagiging bossy niya also.

“Kasi all her life, gusto niya talagang planned out din yung kung ano yung mangyayari.

“So, for me, si Alexa talaga.”

Hindi naman negatibo ang paglalarawan ni Chie kung bakit si Alexa ang napili niyang pinaka-bossy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, “Yung authority kasi talagang nandiyan sa personality niya, which is really nice kasi very well planned din kung ano yung gusto niyang mangyari.”

Chie filomeno alexa ilacad pbb

CHIE PICKS MADAM INUTZ AS her big winner

Samantala, naniniwala naman si Chie na pinaka-deserving maging Big Winner si Madam Inutz, ang social media influencer na nakilala dahil sa online ukay-ukay selling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging kontrobersiyal ang naging pahayag ni Madam Inutz nang i-nominate nito si Chie dahil puro pagpapaganda raw ang alam nito.

Sa kabila nito, para kay Chie, si Madam Inutz ang deserving manalo sa current PBB Season.

Hindi rin daw nagbago ang tingin ni Chie kay Madam Inutz kahit ni-nominate siya nito.

Lahad ni Chie tungkol kay Madam Inutz, “Lahat ng pinagdaanan niya, she’s really a strong woman, and she’s a single mom, and alam ko lahat ng pinagdaanan niya.

“So, for me, siya pa rin ang Big Winner ko kahit nasabi niya nga na puro ganda lang ako. Pero ganda din naman talaga ako. Charing!”

Nauunawaan daw ni Chie na ang rule talaga sa PBB house ay mag-nominate.

“Nagulat ako at first, pero naintindihan ko din ang nararamdaman, o yung position kung nasaan si Madam, kasi we’ve all been there.

“Yun ang sinasabi namin… kung meron masamang ugali sa inyo, madali sanang mag-nominate, pero wala din kasi talaga.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Katuwiran pa ni Chie, “Kasi, at the end of the day, kailangan talaga mag-nominate po.

“So, maiintindihan ko naman po din kung bakit ako na-nominate din.”

Ang mahalaga raw kay Chie ay alam niya sa kanyang sarili na may naimbag naman siya sa loob ng PBB house kahit hindi ito ang pananaw ng ibang housemates.

“Hindi siya nakaapekto in a sense [that] alam ko kasi kung ano yung nagagawa ko, or nao-offer ko po sa loob ng Bahay ni Kuya, and yung ibang housemates nakikita iyon.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-PBB housemate Chie Filomeno explains why she chooses Alexa Ilacad as "pinaka-bossy": “Yung authority kasi talagang nandiyan sa personality niya."
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results