Bigla na lamang naglaho ang verified Instagram account ni Gretchen Barretto noong Linggo, November 28.
Ang account niyang ito na biglang nabura at hindi mahanap ay mayroong 1.7 million followers.

Kaya naman nanawagan ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco sa kanyang followers sa Instagram.
Ani Dominique, “Does anyone work for @meta / @instagram who can help me with my mum's Instagram account? It disappeared. Please DM me!"

Dahil dito, gumawa muna ng temporary account si Gretchen habang hindi pa niya nare-recover ang kanyang verified account.
Sa isang video na in-upload ni Gretchen sa kanyang temporary account kagabi, November 30, nanawagan siyang i-follow ang pansamantala niyang account.
“Hi, I’m Gretchen Barretto, follow this username, gretchen_barretto. That’s my temporary account.”
View this post on Instagram
Sa isa pang video, sinabi ni Gretchen na nagtataka pa rin siya kung bakit bigla na lang naglaho ang kanyang account.
“This is my new IG account. As you all know, my other account has been deactivated, I don’t know why.”
View this post on Instagram
Sa ngayon, meron na itong 11.7-K followers.
May walo na rin siyang posts dito.

Wala pang update si Dominique kung ano na ang nangyari sa recovery process ng Instagram account ng ina.
Mahalaga para kay Gretchen ang kanyang Instagram account dahil doon niya pinu-post ang mga aktibidad niya lalo na ang kinahihiligang sabong.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
