Sa unang pagkakataon, nagsalita si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kung bakit nauwi sa hiwalayan ang pitong taong relasyon nila ng nurse na si Neil Salvacion.
Si Rabiya ay 25 years old, habang si Neil ay may edad na 27.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rabiya sa virtual mediacon matapos ang contract signing niya bilang bagong Kapuso nitong Huwebes ng hapon, November 19, 2021.
Ilang linggo matapos ang Miss Universe 2020 pageant, noong June 4, kinumpirma ni Neil na break na sila ni Rabiya.
Nakiusap noon si Neil na huwag husgahan si Rabiya dahil pareho silang masaya sa kani-kanilang buhay, at alam daw niyang pinaghirapan ng dating nobya kung ano man ang narating nito.
Sinundan iyon ng pahayag ni Rabiya na mag-uusap sila ni Neil pagbalik niya ng Pilipinas mula sa U.S. kunsaan ginanap ang pageant noong Mayo.
Pero noong September 7, nagpasabog si Neil nang mag-audition ito sa isang reality show at nagdeklarang iniwan siya ng beauty queen-girlfriend para sa korona.
Hiningi ng PEP.ph ang reaksiyon ni Rabiya sa tinuran ni Neil.
Direktang sagot ni Rabiya: "I will be honest in answering this question.
"To be honest po, we were talking na he told me na he wanted to join [a reality show].
"I told him, 'Go ahead. I'm proud of you.' He's gonna go out of his [shell]."
Umani ng iba-ibang reaksiyon ang paninisi ni Neil sa pagsali ni Rabiya sa beauty pageant sa pagkasira ng kanilang relasyon.
Marami ang hindi natuwa kay Neil, at may iba ring nahusgahan si Rabiya dahil sa isyu.
Ayon kay Rabiya, humingi ng paumanhin sa kanya si Neil pagkatapos kumalat sa social media ang audition video nito.
"After nun, we also talked about the issue, and he said sorry.
"Sabi ko din, iba kasi yung pagiging public figure. Siguro yun ang hindi niya na-prepare yung sarili niya. Na everybody is gonna have a say about you.
"If you really want it, if you can take the responsibility, then go ahead," saad ni Rabiya.
Hiwalay man sila, hindi raw iyon hadlang para manatili ang magandang pinagsamahan nila ni Neil.
Sabi ni Rabiya: "He just lost his mom three weeks ago. So, dinamayan ko din po siya.
"That's why kahit anong ibato ng tao for the both of us, alam ko po na he's my best friend.
"Hindi rin madali yung seven years na pinagsamahan namin.
"If he needs me, I'm gonna be there as a friend."
NOT WORKING OUT EVEN BEFORE HER MISS UNIVERSE STINT
Nanalong Miss Universe Philippines titleholder si Rabiya noong October 2020.
Bago nagtungo ng U.S. si Rabiya para lumaban sa Miss Universe noong May 2021, naiulat pa ang tungkol sa relasyon nila ni Neil.
Parehong Iloilo ang hometown nina Rabiya at Neil.
Pero inamin ni Rabiya sa PEP.ph na noong panahong iyon ay malabo na talaga sila ng nobyo.
Lahad niya: "To be honest po kasi, it wasn't okay na talaga.
"But because I was competing, we tried to conceal as much as we can, kasi I dont want na puputok yung issue na hindi na kami before pa ako mag-compete.
"It's gonna be a big headache on our sides.
"Pero after po kasi, it was like a mutual understanding, 'Okay, unti-untiin na natin yung fans.'
"Because during the competition, he was being pressured to post something about me.
"Bakit di raw siya nagpo-post, wala na raw ba kami?
"So I don't want him to feel that kind of pressure kasi mahalaga din siya sa akin."
RABIYA TREATS BREAKUP AS "LESSON LEARNED"
Aminado si Rabiya na marami ang nanghinayang sa tagal ng relasyon nila ni Neil na nauwi sa breakup.
Pero tila sadyang nag-iba lang ng direksiyon ang magkasintahan.
Ito ang natutunan ni Rabiya: "It has nothing to do with the years that you are together, but it's the kind of connection na you guys are on the same page all the time.
"Kasi it's gonna be hard if you wanna do this, if you wanna take Path A, if you wanna take Path B, and you're not meeting in the middle.
"So, I guess, it's also God's gift if you're gonna meet the same person who shares the same values, who understands your responsibility.
"Alam ko andaming opinion, and for them it was a tragic love story, but for us, it was a lesson learned."
Ang mahalaga ay maayos daw sila ng dating nobyo.
Ani Rabiya, "Hindi basta-basta pinagdaanan namin.
"But now, I know he's happy. I am happy. I'm happy kung saan kami ngayon."
