PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi, siblings surprise their mother with P1.2M cash

Ivana Alawi's mom gets more than P1 million as birthday surprise from her kids.
by Bernie V. Franco
Published Nov 18, 2021
Ivana Alawi P1 million birthday mother
Ivana Alawi surprises her mom Fatima Marbella with P1 million cash with a twist. Ivana's two siblings also gave their mom P100,000 each.
PHOTO/S: YouTube (Ivana Alawi)

Tumataginting na isang milyong piso ang birthday gift ni Ivana Alawi sa ina nitong si Fatima Marbella.

Bukod pa rito, nauna na raw nagbigay ng tig-P100,000 ang mga kapatid ni Ivana na sina Mona Louise Rey at Hash Alawi sa kanilang ina.

Ibig sabihin, P1.2 milyon ang kabuuang halaga na nakuha ng ina ng vlogger-sexy actress sa kaarawan nito.

Ginawang masaya ni Ivana ang birthday gift surprise sa ina nang mag-staycation sila sa isang resort hotel sa Tanauan, Batangas.

Ang inihandang birthday surprise ni Ivana sa ina ay in-upload sa kanyang YouTube channel noong November 13, 2021.

IVANA’S million-peso BIRTHDAY SURPRISE

Para gawing masaya ang kaarawan ng ina, naisip ni Ivana na isabit ang sampung tig-P100,000 tseke sa vineyard ng pinuntahan nilang resort hotel.

Inilahad ni Ivana ang kanyang rason kung bakit hindi cash ang binitbit niya para sa sorpresa sa ina.

“Kasi ayoko ng cash. Baka mawala. Yung one million, maging three hundred thousand na lang!” natatawang hirit ni Ivana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hilig daw kasi ng kanyang ina ang fruit picking, kaya alam niyang matutuwa ito na sa halip na ubas ay mga tseke ang pipitasin nito.

“Si Mama mahilig din siyang magpitas, pero never niyang na-experience,” paliwanag ng actress-YouTube star.

“Gusto niya kasing pumitas ng orange sa Sagada…”

Ikinuwento ni Ivana na nang magpunta sila sa Amerika, tumatakbo ang ina sa kalsada kapag may nakikita itong puno ng prutas.

Napagdesisyunan daw nilang magkakapatid na pera na lang ang ibigay sa ina kaysa mamahaling gamit.

“Ayaw niya ng gamit, kasi sayang. Gusto niya bumili ng pagkain para sa ibang tao,” sabi ni Ivana, na sinegundahan ng kanyang kapatid na si Hash.

Bago sila magpunta sa vineyard, sinundo ni Ivana ang ina sa kuwarto nito.

Biniro ng aktres ang ina na magbihis at didiretso sila sa Amanpulo.

Tumanggi ang ina ni Ivana. Anito, masaya na siya sa kinaroroonan nilang resort.

Hirit ni Ivana, sulit naman dahil birthday nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit pa. Hindi naman tama gagastos kayo nang malaki, huwag na. Sayang. Kaya nga pag namimili ako, laging sale,” katuwiran ni Fatima.

Biro pa ni Ivana, hindi siya nanghinayang na gumastos ng P400,000 sa Amanpulo dahil kaarawan naman ng ina. Once in a lifetime lang naman daw iyon.

Depensa ni Fatima, “Once in a lifetime, e, lifetime nating pangkain iyon. Once lang iyon, in a lifetime [ang pangkain].

“Masaya na ako dito. Money don’t grow on trees.

“Andami nating mapapakain sa P1M, marami tayong mapapasayang tao doon.

“Marami tayong mapapakain. Bakit niyo lang iniisip yung tayo? It’s not worth it.”

Kasunod nito, dinala nina Ivana ang ina sa vineyard ng hotel resort, at dito ay ipinaliwanag ng aktres na may mga nakasabit na sampung tseke.

Sa huli, napitas ni Fatima ang lahat ng tsekeng may kabuuang P1 milyon ang halaga.

“Milyonarya na ako!” tuwang-tuwang sambit ng ina ng aktres.

Sa previous video ni Ivana, inilarawan niya ang ina na bukod sa pagiging mapagbigay, mga simpleng bagay lamang ang nakapagpapasaya rito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ivana Alawi mother P1 million

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi surprises her mom Fatima Marbella with P1 million cash with a twist. Ivana's two siblings also gave their mom P100,000 each.
PHOTO/S: YouTube (Ivana Alawi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results