PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Wurtzbach ranks self lower than Catriona Gray

“If beauty queens had rankings, they would be at the top!”
by Bernie V. Franco
Published Oct 21, 2021
Pia Wurtzbach (left) dotingly compares herself to fellow Miss Universe Catriona Gray. When it comes to ranking, Pia says Catriona would definitely appear at the top.
PHOTO/S: @piawurtzbach, @official_misssa on Instagram

Ikinumpara ni Pia Wurtzbach ang sarili sa kapwa Miss Universe titleholders na sina Catriona Gray at Andrea Meza.

Si Pia ang Miss Universe 2015, si Catriona naman ay ang Miss Universe 2018, at si Andre ng Mexico ang current Miss Universe.

Bagamat parehong nagbigay ng karangalan sa bansa sina Pia at Catriona, may ibang pageant fans na pinagkukumpara ang dalawang Pinay beauty queens.

Pero sa recent social media posts ni Pia, siya na mismo ang naghambing sa sarili kina Catriona at Andrea.

Gayunpaman, ang pagkukumpara ni Pia kay Catriona ay hindi para makipagpagalingan, kundi para iangat ang fellow Filipina titleholder.

Nitong Miyerkules, October 19, nag-post si Pia ng highlights sa pagiging bahagi niya ng Miss Universe South Africa 2021, na ginanap noong October 17 (Philippine time).

Dinaluhan ito ng maraming former at current pageant titleholders, kabilang na sina Pia at Catriona.

Kabilang sa mga hurado si Pia, habang si Catriona ay naging pre-show host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PIA RANKS CATRIONA AND ANDREA

Nag-post si Pia ng photos at videos kasama sina Catriona at Andrea.

Sa video clip nilang tatlo, bakas na nag-e-enjoy sila habang abalang kumukuha ng video nila.

IG Story: Andrea Meza, Pia Wurtzbach, Catriona Gray

Ipinost din ni Pia ang isang photo-op nina Catriona at Andrea.

“Queens [face with heart eyes emoji] what a moment!” papuri ni Pia sa dalawa. Naka-tag din sina Catriona at Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa karugtong na caption, ibinahagi ni Pia na kung may ranking ang beauty queens, mangingibabaw sina Catriona at Andrea.

Aniya, “If beauty queens had rankings, they would be at the top!

“Kasi if you think about it, kung parang boxing ito sila yung may pinaka mataas na panalo [crown emoji]”

Aniya pa, “Destined for the Universe” ang dalawa.

Hindi nagpaliwanag si Pia kung bakit sinabi niyang pinakamataas sa rankings sina Catriona at Andrea.

Pero bago nanalong Miss Universe, si Catriona ay sumali at nakapasok sa Top 5 ng Miss World 2016, at si Andrea ay itinanghal namang first runner-up sa Miss World 2017.

Isinunod na ipinost ni Pia ang kanyang selfie photo.

Sa caption, malinaw na sinasabi ni Pia mas mababa ang ranking niya. Nakuha pa niyang magpatawa.

Ani Pia, “Kung ako naman,

“2 losses

“2 wins

“Yung isang win muntik pa maging draw [laughing with tears emoji]”

Ang “2 losses” na tinutukoy ni Pia ay ang pagkatalo niya sa Binibining Pilipinas noong 2013 at 2014.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang “2 wins” naman ay nang manalo siya sa third attempt niya sa Binibining Pilipinas noong 2015, at nang mahirang na Miss Universe 2015.

Ang “draw” naman ay pagtukoy sa pagkakamaling nangyari sa Miss Universe 2015 pageant, nang unang tawagin ang pangalan ni Arianda Gutierrez ng Colombia bilang titleholder, pero binawi ito pagkalipas ng ilang sandali at sinabing si Pia talaga ang nanalo.

IG Story: Miss Universe title holders Andrea Meza, Pia Wurtzbach, Catriona Gray

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga sumunod pang larawang ipinost si Pia na magkakasama sila nina Catriona, Andrea at Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.

May Instagram post din si Pia na kuha sa event at binanggit sa caption na masaya siyang makasama si Catriona dahil madalang lamang silang magkita.

May post din si Catriona at sinabing masaya siyang makasama si Pia sa event.

IG Story: Andrea Meza, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Zozibini Tunzi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aktibo pa si Pia sa pagkokomento sa mga post ni Catriona, indikasyong maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa sa kabila ng paghahambing sa kanila ng pageant fans.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach (left) dotingly compares herself to fellow Miss Universe Catriona Gray. When it comes to ranking, Pia says Catriona would definitely appear at the top.
PHOTO/S: @piawurtzbach, @official_misssa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results