Pabor si Kylie Padilla na maisabatas na ang divorce bill sa bansa.
Inihayag ng 28-year-old actress ang kanyang pagsang-ayon sa nasabing panukalang batas ilang oras matapos isiwalat ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica, 31, ang diumano’y katotohanan kung bakit sila naghiwalay.
Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 11, 2018, sa Villa Milagros sa Rodriguez, Rizal.
Makalipas lamang ang halos tatlong taon, naghiwalay ang dalawa dahil sa third party, base sa kuwento ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.
Sa parte raw ni Aljur ang may problema, ayon sa panayam kay Robin noong July 2021.
Pero sa isang Facebook revelation kahapon, October 19, isiniwalat ni Aljur na si Kylie ang unang nagtaksil sa kanilang pagsasama.
Hinikayat ng aktor ang nakahiwalayang asawa na sabihin na umano ang katotohanan.
Punung-puno na raw kasi siya mula sa pambabatikos ng netizens dahil sa umuusbong naman nilang relasyon ng sexy actress na si AJ Raval.
Pakiusap ni Aljur sa ina ng dalawa nilang anak na sina Alas at Axl: “Kylie please tell them the truth.
"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.
"Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.
"Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know."
Umugong noon ang balitang may naging ugnayan diumano sa pagitan nina Kylie at JM de Guzman ngunit pinabulaanan ito ng aktres.
YES TO DIVORCE BILL
Sinuklian naman ni Kylie ng parinig ang post ni Aljur.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, October 19, sunud-sunod na titulo ng kanta na tila pahaging sa dating asawa ang kanyang ibinahagi.
Sa bandang huli ng kanyang posts sa Instagram Stories, ibinahagi ni Kylie ang quote mula sa tweet ng sikat na singer na si Rihanna tungkol sa mga lalaking magaling magmanipula sa buhay.
Buong tweet ni Rihanna na ibinahagi ni Kylie: "Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes."

Hindi pa rito natapos si Kylie.
Sa kanyang Twitter, ipinahayag ng aktres ang suporta niya sa divorce bill.
Maiksing tweet niya: “#passdivorcebill”
Dahil kasal sila ni Aljur, tanging annulment lamang ang magpapawalang bisa nito.
Ngunit napakamahal at napakatagal na proseso ang pagpapa-annul ng kasal. Ang divorce law ang magpapabilis sa proseso.
Sa buong mundo, tanging ang Pilipinas at ang Vatican City ang walang divorce law.
May nakabinbin nang panukalang batas sa Kongreso at pumasa na ito sa committee.
Kailangan pa itong maipasa sa plenary at dapat magkaroon ng counterpart bill sa Senado upang maisulong ang nasabing panukalang batas.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
