Puno ng kasiyahan si Gretchen Barretto, 51, sa engagement ng unica hija nila ni Tonyboy Cojuangco, 70, na si Dominique Cojuangco, 26.
Noong October 14, inanunsiyo ni Dominic na engaged na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Michael Hearn.
Ngayong Martes, October 19, ibinahagi ni Gretchen na excited siya sa bagong yugto ng buhay na tatahakin ng anak.
Nagpakilala rin siya bilang "soon-to-be mom-in-law" ni Michael.
Sabi pa ni Gretchen (published as is), "who would have thought i will be planning my daughter @dominique wedding at age 51 [trophy emoji]."
Sabay humirit si Gretchen na hindi niya narasanan ang maikasal kaya mangangapa raw siya sa pagtulong sa wedding planning ni Dominique.
"i never had one & never planned one ever," ani Gretchen, na naglagay pa ng emoji ng napapikit na monkey.
Dagdag niya (published as is), "i dont know where & how to start."
Paalala pa raw sa kanya ng partner na si Tonyboy: "Tony has reminded me multiple times to allow our child to enjoy the process of planning."

GRETCHEN ON UNMARRIED STATUS
Noon pa man ay bukas si Gretchen sa relationship status nila ng longtime partner niyang si Tonyboy Cojuangco.
Sila ay 27 taon nang magkatuwang sa buhay, at nagdiwang sila ng anibersaryo noong Pebrero 2, 2021.
Noong 2019, dedma si Gretchen sa mga bumabatikos sa kanyang estado na hindi legal na asawa ni Tonyboy.
Una na ring sinabi ni Gretchen noong 2018 na hindi siya apektado sa opinyon ng iba dahil masaya at kuntento siya sa kanyang buhay.
DOMINIQUE ON GRETCHEN'S POST
Balik sa present time, naaliw si Dominique nang mabasa ang Instagram post ni Gretchen.
Komento ni Dominique: "I love you! Omg your caption [wacky face emoji]."

Humanga naman sina Angelika dela Cruz at Alissa Martinez kay Gretchen dahil blooming ito sa suot nitong classy dress.
Hindi raw mukhang 51 years old ang dating aktres.

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
