PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada's best friend apologizes to KathNiel fans

"Wag nang idamay pa sina Daniel at Kathryn sa desisyon ni Mamshie Karla..."
by Rachelle Siazon
Published Oct 14, 2021
An excerpt from Karla Estrada's best friend Armando Cruz's official statement: "Nakikiusap po ako na wag nang idamay pa sina Daniel at Kathryn sa desisyon ni Mamshie Karla na pasukin ang serbisyo publiko dahil personal nya itong desisyon."
PHOTO/S: Mark Nicdao for YES!

Nagsalita na ang best friend ni Karla Estrada na si Armando Cruz tungkol sa pag-alma ng KathNiel fans sa "misleading" campaign teaser ng dating Magandang Buhay co-host.

Si Karla ay kumakandidatong third nominee ng Tingog Partylist, na pinamumunuan ni Congresswoman Yedda Marie Romualdez.

Anak ni Karla si Daniel Padilla, na reel-and-real-life sweetheart ni Kathryn Bernardo. May uniname na KathNiel sina Kathryn at Daniel.

Isang grupo ng KathNiel fans ang tahasang naghayag ng kanilang pag-alma sa desisyon ni Karla na sumuporta sa partylist, partikular na si Romualdez, na bumoto para hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ang grupo na may handle na @MMXIkathniel sa Twitter at mayroong 17,000 followers.

Umabot ng 4,000 retweets ang kanilang open letter na nagsasabing handa silang kumalas sa suporta nila sa KathNiel sa oras na malaman nilang pabor ang dalawa sa political affiliation ni Karla.

Taliwas daw kasi iyon sa paninindigan nina Kathryn at Daniel nang suportahan nila ang ABS-CBN sa laban nito para sa press freedom, at para sa libu-libong empleyado na nawalan ng trabaho nang kitilin ng Kongreso—na karamihan ng mga miyembro ay kaalyado ng administrasyong Duterte—ang franchise renewal application ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE "MISLEADING" TEASER

Isa pang mariing inalmahan ng KathNiel fan group na @MMXIkathniel ang anila'y lumalabas na "misleading" three-part teaser ni Karla na ipina-post umano sa admins ng Instagram pages ng KathNiel fans.

Karla Estrada candidacy teaser

Hindi raw alam ng grupong @MMXIkathniel na may kinalaman iyon sa 2022 elections, at sa ikatlong teaser na lang daw nila nalaman na bahagi iyon ng kampanya ni Karla bilang third nominee ng Tingog.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dismayado ang KathNiel fan group dahil hindi raw nila nais suportahan ang partylist na kinabibilangan ni Karla dahil taliwas ito sa kanilang panindigan.

Diin pa ng KathNiel fan group, "Ms. Karla Estrada has signed with Tingog Partylist because she believes that she can change their stand re: ABS-CBN franchise.

"We think differently, if you fight for the right, you will never team up with the people who once practiced oppression."

kathniel fans call out karla estrada joining tingog partylist

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KARLA'S BEST FRIENDS OWNS UP TO THE TEASER INCIDENT

Ngayong Huwebes, October 14, inamin ng best friend ni Karla na si Armando Cruz, o may palayaw na Dho, na may kinausap siyang KathNiel fans para ibahagi ang campaign teaser ni Karla para sa 2022 elections.

Humingi siya ng paumanhin sa KathNiel fans na umalma sa pagkadawit nila sa kampanya ni Karla sa 2022 elections dahil sa kontrobersiyal na "misleading" teaser.

Inilabas ni Cruz ang kanyang opisyal na pahayag via Instagram account.

Aniya, siya ang "kusang-loob" na nagbahagi sa "ilang fans ng KathNiel" na i-post ang teaser ni Karla.

Paliwanag ni Cruz (published as is): "Nitong mga nakaraang araw, iba't ibang pahayag mula sa ilang mga taga-suporta at mga kaibigan ng KathNiel ang lumabas ukol sa teaser ng pag anunsyo ni Mamshie Karla Estrada na siya ay tatakbo sa darating na eleksyon.

"Nais ko pong linawin na ang pag-share ko ng mga teaser sa ilang fans ng KathNiel ay kusang loob kong ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako po ay humihingi ng paumanhin sa naging aksyon kong ito na nagbunga ng ibang imahe kina Kathryn at Daniel lalo na sa mga ilang taga-suporta at kaibigan na nagulat, naguluhan, at nasaktan sa pangyayaring ito."

Sa huli, sinabi ni Cruz na walang kinalaman ang magkasintahang Kathryn at KathNiel sa kandidatura ni Karla.

"Nakikiusap po ako na wag nang idamay pa sina Daniel at Kathryn sa desisyon ni Mamshie Karla na pasukin ang serbisyo publiko dahil personal nya itong desisyon.

"Maraming salamat po."

IG Story: karla estrada bestfriend Armando Cruz apologizes to kathniel fans

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Star Magic YouTube vlog noong September 1, 2020, tinukoy ni Daniel si Cruz bilang "Tito Dho" na "best friend" ng kanyang inang si Karla at "partial owner" ng pag-aaring barber shop ng aktor na Barber Blues.

Co-owners din sa negosyong iyon sina Kathryn, ina ni Kathryn na si Min Bernardo, at si Karla.

Karla Estrada and Armando Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MIN BERNARDO LIKES ARMANDO'S POST

Kapansin-pansing pinusuan ni Min Bernardo, ina ni Kathryn, ang Instagram post ni Armando Cruz na nagsasabing walang kinalaman sina Kathryn at Daniel sa kandidatura ni Karla.

Min Bernardo likes Armando Cruz IG post

Hindi malinaw kung ano ang eksaktong posisyon ni Min sa isyung ito.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay tikom-bibig pa rin sina Kathryn at Daniel sa panawagan ng fans na magsalita sila tungkol sa desisyon ni Karla na sumanib sa partylist na bumoto na hindi i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang panig nina Daniel at Kathryn via Instagram direct message noong Lunes, October 11. Nagpadala rin ang PEP.ph ng mensahe kina Karla at Min via DM nitong Huwebes, October 14.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from Karla Estrada's best friend Armando Cruz's official statement: "Nakikiusap po ako na wag nang idamay pa sina Daniel at Kathryn sa desisyon ni Mamshie Karla na pasukin ang serbisyo publiko dahil personal nya itong desisyon."
PHOTO/S: Mark Nicdao for YES!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results