PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina Dave Almarinez Laguna congressman

Ara Mina: "Sabihin lang niya sa akin kung every day niya akong kailangan."
by Arniel C. Serato
Published Oct 6, 2021
Actress Ara Mina says she is willing to give up all her showbiz projects if her husband Dave Almarinez needs her help in his congressional campaign in San Pedro, Laguna.
PHOTO/S: Arniel Serato

Todo ang suporta ni Ara Mina sa muling pagbabalik ng asawang si Dave Almarinez sa serbisyo publiko nito sa Laguna.

Ngayong hapon ng Miyerkules, October 6, sinamahan ni Ara si Dave sa pag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-kongresista sa lone district ng San Pedro, Laguna.

Sa provincial Commission on Elections office sa Calamba, Laguna naghain ng kanyang kandidatura si Dave.

Si Dave ay undersecretary ng Philippine International Trading Corporation mula 2017 hanggang sa bumitiw siya sa puwesto bago sumabak sa halalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang unang pagkakataon ni Dave na magsilbi sa probinsiya ng Laguna.

Tatlong beses nang nahalal si Dave noon bilang Laguna board member kung saan lagi siyang number one sa bilangan.

Kuwento ni Dave sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos siyang maghain ng kanyang kandidatura, "mixed emotions" ang nararamdaman niya ngayon.

"Kasi, fourteen years na in the making ito, e. So hindi natin minadali, so it’s the right time.

“Siguro, it’s the perfect time para ito na yung simula ng next level nating paglilingkod sa ating mga kababayan sa San Pedro.

"Alam niyo sa haba-haba daw ng prusisyon, dun din ang tuloy, so parang sa amin [ni Ara] rin.

"Excited na may konting kaba. When I say kaba, siyempre, gusto ko malaman ano ang mga sasabihin ng mga kababayan ko. Excited akong makita sila, makasama. sila sa maraming pagkakataon."

Ayon kay Ara, nagpaalam pa siya sa lock-in taping ng isa niyang proyekto sa Pampanga para samahan sa filing ng kanyang kandidatura si Dave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, "Sabi ko naman sa kanya, andito lang ako para sumuporta sa kanya.

"Sabi ko, sabihin lang niya sa akin kung every day niya akong kailangan at kung tayo’y magpapaalam sa programang kinabibilangan ko kung sakaling kailangang-kailangan niya ako every day.

"Siyempre, asawa niya ako so dapat andun ako.”

Nagkaroon naman ng maiksing programa sa isang lugar sa San Pedro kung saan inihayag ni Dave ang kanyang plataporma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naka-focus ito sa scholarships ng mga kabataan, socialize healthcare, modernization ng health facilities, dialysis center, at marami pang iba para sa kalusugan, waste management, at infrastructure projects.

Ikinasal sina Ara at Dave sa Baguio nito lamang nakaraang June 30, 2021.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ara Mina says she is willing to give up all her showbiz projects if her husband Dave Almarinez needs her help in his congressional campaign in San Pedro, Laguna.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results