Binura ni Yen Santos ang lahat ng kanyang mga larawan sa Instagram.

Ito ay sa gitna ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Yen tungkol sa isyu, ngunit ayon sa isang source na malapit sa kanya, labis daw naapektuhan ang aktres sa intrigang ipinupukol sa kanya.
Nagkasama sa trabaho sina Yen at Paolo sa pelikulang A Faraway Land.
Marahil, naging malapit ang dalawa sa isa’t isa habang ginagawa nila ang pelikula sa Faroe Island, Denmark.
Sa pagputok ng hiwalayan nina Paolo at LJ, pinagduduhang si Yen ang dahilan.
Ito ay kasunod ng paglabas ng paparazzi photos at videos nina Yen at Paolo na kuha nang magpunta sila sa Manaoag, Pangasinan at sa Baguio.
Nang nagpa-interview si LJ kay Boy Abunda noong September 1, hindi nito diretsong tinukoy kung may third party sa kanilang hiwalayan.
Pero si Paolo mismo ang umaming may mga kasalanan siya sa hiwalayan nila, at kasama na rito ang pambababae.
Sa inilabas na official statement ni Paolo noong September 8, kinumpirma ng Kapuso actor na si Yen nga ang babaeng kasama niya na nagsimba sa Pangasinan at nagkape sa Baguio.
Pero mariin niyang itinangging may kinalaman si Yen sa paghihiwalay nila ni LJ.
Ayon kay Paolo, nagpasama lang siya kay Yen "as a friend" dahil kailangan niya ng makakausap matapos silang magkalabuan ni LJ.
Sa isang Instagram post, sinabi ng manager ni Paolo na si Lolit Solis na kaya nagpasama si Paolo kay Yen sa Baguio ay dahil masarap itong kausap at para itong “mother figure” sa aktor.
Pero duda ang maraming netizens sa pahayag ni Paolo, at hindi sila naniniwalang walang kinalaman si Yen sa hiwalayan.
Si LJ ay kasalukuyang nasa New York sa Amerika, kasama ang kanyang dalawang anak.
Ano kaya ang pahiwatig sa pagbura ni Yen ng mga larawan niya sa Instagram?
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
