Natuloy na sa wakas ang matagal nang nabalam na planong kasal sa simbahan ng mag-asawang JC de Vera, 34, at Rikkah Cruz-de Vera, 26.
Ngayong araw, September 21, in-upload ng Nice Print Photo sa Instagram ang official wedding photos ng mag-asawa.
View this post on Instagram
Hindi malinaw kung ngayong araw sila ikinasal sa simbahan, o ngayon lang in-upload ang mga larawan at kuha ito ng ibang araw.
View this post on Instagram
Ayon sa isang netizen na nagkomento sa post, sa San Antonio De Padua Church, sa Silang, Cavite ginanap ang church wedding nina JC at Rikkah.
Noong March 2021, inamin ng aktor na nagpakasal na sila ni Rikkah noon pang 2018.
Kuwento niya noon kay Erich Gonzales sa vlog ng aktres, itinago nila ito para ma-maintain ang privacy ng kanilang pamilya.
Sabi ni JC: “Well, hindi ko sinasabi lahat sa social media.
“I’m trying my best not to live a double life. Pinu-post ko lang kung ano yung sa tingin kong makaka-inspire, yung makaka-spread ng positivity.
“Pero hindi ko siya ginagamit as platform to tell everything about me.”
Sabi din niya noon, "anytime this year" talaga magaganap ang church wedding nila.
Sabi pa ng aktor, “Kailangan yung church. Hindi ko talaga siya totally nada-digest na hanggang dun lang kami sa civil wedding.
“Gusto talaga namin sa church, kaya parang yung civil wedding, alam namin na parang dumaan lang.
“So, gusto pa namin mag-prepare ng something really big, yung church wedding.”
Diin niya, “Sure na this year yun.”
Mayroon nang three-year-old daughter sina JC at Rikkah, si Lana Athena.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
