Tinawanan ni Matteo Guidicelli ang isang basher sa kanyang Instagram na tinawag siyang Hidilyn wannabe.
Kahapon, September 11, nag-post si Matteo ng video kung saan proud niyang ibinahaging na-beat niya ang kanyang personal record sa pag-i-squats sa weightlifting.
Ikinuwento niya ring siya ay nagte-train sa ilalim ng masusing supervision ng kanyang coach na si Arnold Aninion.
Sa post na ito nag-comment ang basher na tila hindi naaliw sa achievement na ibinahagi ni Matteo.
Tinawag pa si Matteo at ang kanyang coach na "copycat clowns" at "wannabe Hidilyns," pagtukoy sa weightlifter at Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Saad ng netizen, "Who are these jokers, wannabe Hidilyns :[laughing emoji], Hidilyn is LEGIT, trained, sacrificed years to where she is now,,,, and here comes the copycat clowns [clown emoji], fast track na naman? c'mon: Wala na bang magawa itong mga toh?"
Sinagot naman ito ni Matteo sa pabirong paraan.
Paglarawan lang niya sa kanila ni Arnold, "these clowns are too funny"

Nakisagot din si Arnold sa basher.
Hamon niya sa basher, "talk is cheap. Come over anytime."
Sa isa pang comment, sinabihan din ni Arnold ang netizen na wag nang idamay pa si Hidilyn sa gusto niyang sabihin.
Saad ni Arnold, "wag mo na e damay si Hidalyn [laughing emoji] speak for yourself na Lang and post your squat then come to me"

Ipinagtanggol naman si Matteo ng ilan sa kanyang followers laban sa basher.



Nakipag-engage pa ang basher sa ibang fans ni Matteo, pero hindi na sumagot ang actor/singer/TV host dito.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
