Si Barbie Forteza ang dating tinaguriang Tween Queen ng GMA Network o reyna ng Kapuso female teen stars.
Pero dahil hindi na teen si Barbie, 24, hindi maiiwasang "ipasa niya ang korona" sa susunod na Tween Queen.
Sino sa female young stars ng GMA ang nakikita niyang maaaring umupo sa trono na babakantehin niya?
"Ang tagal ko nang hindi naririnig 'yang Tween Queen, grabe!" tumatawang bulalas ni Barbie.
"Naku, para sa akin naman e, lahat deserving!
"Dyusko, yung mga bagets ngayon, e, talagang labanan, sa pag-arte, the way na i-handle nila ang mga sarili nila, di ba, and the way sila mag-approach ng kanilang senior, very respectful.
"It's not for me to decide, kasi lahat sila deserving," wika pa ni Barbie, na ang titulo na ngayon ay GMA's Primetime Princess.
Ilan sa female young stars o teen stars ng GMA-7 na maaaring maging susunod na Tween Queen ay sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Therese Malvar, Elijah Alejo, at Cassy Legaspi.
BARBIE MISSES HEAVY DRAMA
Samantala, nami-miss na raw ni Barbie gumawa ng indie film.
Pahayag ng Kapuso actress, "Naku, sa totoo lang, miss na miss ko na!
"Miss na miss ko na umarte, in general dahil... may work ako ngayon, pero All Out Sundays, so super-dance di ba, super-host.
"Na nae-enjoy ko din kasi kasama ko yung mga kaibigan ko dun. And enjoy na enjoy ko talaga ang variety [show], natsa-challenge ako every time na sumasayaw ako.
"Pero siyempre, hindi pa rin mawawala sa akin yung first love ko, which is pag-arte na huli ko pang na-experience, e, dito sa Daig Kayo Ng Lola Ko."
Nagbida si Barbie sa Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie ng GMA-7.
"Sobrang fun, very cool, very sweet yung character.
"Pero ang pinaka nami-miss ko talaga is yung heavy, heavy drama.
"So sana, sana makagawa ako ulit, ke teleserye man 'yan o pelikula.
"Gusto ko nang umarte ulit."
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
