PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharifa Akeel on six years post about Toto Mangudadatu

Sharifa: "6 years ago, he has been there for me for the past several years."
by Arniel C. Serato
Published Aug 27, 2021
Sharifa Akeel Toto Mangudadatu 6 years
Beauty queen Sharifa Akeel on "6 years" tibute post for husband Congressman Toto Mangudadatu: "Ang ibig ko pong sabihin ay, it was 6 years ago when we first met and yes, nanligaw siya saakin nun. No, wala pa po kaming relasyon noon. No, hindi ko pa siya sinagot. And yes, hindi sya tumigil ng pagpapakita ng love niya saakin.”
PHOTO/S: Courtesy: Sharifa Akeel on Facebook

Ipinaliwanag ni Miss Asia Pacific International Sharifa Akeel, 24, ang ibig niyang pakahulugan ng "six years" sa kanyang tribute post sa asawang si Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu, 53.

Bahagi ng post niya kahapon, August 26: “When I realized and then accepted that, love and happiness filled my life, and I realized that YOU, who has been there for the past 6 years, was all that I was missing.”

Maraming netizens ang nagtaka sa "six years" na sinasabi ni Sharifa.

Lumalabas kasing labimpito o labinwalong taong gulang pa lang siya ay may relasyon na sila ni Congressman Mangudadatu, na malaki ang tanda sa kanya.

Sa pamamagitan ng Facebook, binigyang linaw agad ng beauty queen kung ano ang ibig sabihin ng anim na taon na nabanggit niya.

Saad ni Sharifa (published as is): “For those who are asking..

“Ang ibig ko pong sabihin ay, it was 6 years ago when we first met and yes, nanligaw siya saakin nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No, wala pa po kaming relasyon noon. No, hindi ko pa siya sinagot.

"And yes, hindi sya tumigil ng pagpapakita ng love niya saakin.”

"HE'S BEEN WAITING FOR ME"

Dagdag pa ng beauty queen mula sa Sultan Kudarat, sa loob daw ng mga taong iyon ay nagtiyaga si Mangudadatu na ligawan at suyuin siya.

Hinintay raw ng Muslim na pulitiko nito kung kailan siya magiging handang makipagrelasyon.

Pero deadma daw talaga siya noon.

Ani Sharifa, “6 years ago, he has been there for me for the past several years. WHO HAS BEEN WAITING FOR ME THE PAST 6 YEARS.

“He has been there for me without asking for anything in return. I did not return his affection then.”

Ngayong taon lamang daw napagtanto ni Sharifa na ang mambabatas na lang ang kulang sa buhay niya.

Nauwi sila sa pag-iisang dibdib dahil sa tiyaga umano ni Mangudadatu sa panunuyo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapos pa ni Sharifa, “But this year, we were brought closer together by circumstances that were out of our control and this year has taught me, na siya na lang pala ang kulang sa buhay ko.

“Hindi kami hahantong dito kung hindi siya nagtyagang maghintay na ibalik ko ang pagmamahal na binibigay niya sa akin noon pa man. Kahit inabot na ng ilang taon bago ko pa marealize na mahal ko na siya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinasal sina Sharifa at Congressman Mangudadatu noong Miyerkules, August 25, sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen Sharifa Akeel on "6 years" tibute post for husband Congressman Toto Mangudadatu: "Ang ibig ko pong sabihin ay, it was 6 years ago when we first met and yes, nanligaw siya saakin nun. No, wala pa po kaming relasyon noon. No, hindi ko pa siya sinagot. And yes, hindi sya tumigil ng pagpapakita ng love niya saakin.”
PHOTO/S: Courtesy: Sharifa Akeel on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results