Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel, 24, ukol sa relasyon nila ng asawang si Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu, 53.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, August 26, inamin ni Sharifa na hindi naging madali ang pinagdaanan ng relasyon nila ng mambabatas.
Sabi ni Sharifa, "The road that led me to you was not easy. No matter how hard I tried to fight it, no matter how much others wanted to fight it, fate wanted us to be together.”

Hindi na rin pala bago ang relasyon nila dahil, ayon sa beauty queen, anim na taon na siyang minahal at iniirog ni Congressman Mangudadatu.
“When I realized and then accepted that, love and happiness filled my life, and I realized that YOU, who has been there for the past 6 years, was all that I was missing.”
Ikinasal sina Sharifa at Mangudadatu kahapon, August 25, sa pamamagitan ng "Walima Celebration," isang uri ng seremonya ng Islam wedding sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Excited na raw si Sharifa sa bagong tatahakin niyang landas sa buhay kasama si Toto, ang kanyang “husband.”
Ani Sharifa, “I am excited to take on this new adventure, this new phase in my life, because I will be going on it with you, Husband.
“Together till Jannah!”
View this post on Instagram
Ang “Jannah” ay isang Arabic word na ang literal na kahulugan ay “Paraiso.”
Si Sharifa ay isang Filipino-Qatari at kinoronahang Miss Asia-Pacific International noong 2018.
Siya ay tubong-Sultan Kudarat, sa Mindanao.
Si Congressman Mangudadatu, mula sa political dynasty sa Maguindanao, ay isang beteranong pulitiko.
Nagsilbi siyang mayor, vice-mayor, governor, at ngayon ay congressman sa kanyang nasasakupan sa Maguindanao.
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
