PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo's mom DJ Chacha cryptic tweet

DJ Chacha tweets about "mang-agaw ng jowa o maki-epal sa relasyon."
by James Patrick Anarcon
Published Aug 21, 2021
Heaven Peralejo's mom Luanne (left) to DJ Chacha (right): "Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention."
PHOTO/S: @luanneperalejo / @_djchacha on Instagram

Pinatutsadahan ni Luanne Peralejo, ina ng aktres na si Heaven Peralejo, ang radio host na si DJ Chacha.

Ito ay dahil sa diumano’y patamang tweets ni DJ Chacha tungkol sa mga “mang-aagaw ng jowa.”

Noong August 14, nag-tweet si DJ Chacha ng kanyang advice tungkol dito, bagamat wala siyang pangalang binanggit.

Sabi ni DJ Chacha, “Wag niyong kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan niyo yan. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo yang ugali na yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang itinuweet ito ni DJ Chacha ay kainitan ng isyu sa pagitan nina Heaven, Kiko Estrada, at Devon Seron.

Kung mababasa ang replies sa tweet ni DJ Chacha, marami sa mga ito ang nagta-tag kay Heaven at sinasabing para sa kanya raw ang post.

Mayroon ding mga fans na ipinagtanggol na kaagad si Heaven kahit walang pangalang nakabanggit dito.

March 2021 noong unang matunugang nagkakaroon ng problema sa relasyon nina Kiko at Devon, na naging magkarelasyon noong taong 2018.

Si Heaven, na co-star ni Kiko sa teleseryeng Bagong Umaga, ang itinuturong third party sa hiwalayang Kiko-Devon.

Itinanggi naman ni Heaven ang kaugnayan niya sa hiwalayang ito.

Makalipas ang limang buwan, nito lamang August 13, ay kinumpirma nina Heaven at Kiko na sila ay magkarelasyon na sa pamamagitan ng Instagram post.

Dahil dito ay muling nabuhay ang “ahasan” issue sa pagitan nina Devon at Heaven.

Makalipas ang ilang oras ay muling nag-tweet si DJ Chacha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya rito, wala naman siyang “name drop” sa kanyang huling tweet kaya dapat ay huwag na mag-assume ang mga tao kung sino ang kanyang pinariringgan.

Saad niya, “Kapag walang name drop wag mag-assume na para sayo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan yun ng nagpost ibig sabihin non’ guilty ka. Ganon lang yon.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ALSO READ

HEAVEN’S MOM TWEETS DJ CHACHA

Noong Huwebes, August 19, ay nag-tweet ang ina ni Heaven na si Luanne tungkol sa tweet ni DJ Chacha.

Dito ay hinamon niya si DJ Chacha na diretsuhin at i-tag ang kanyang pinariringgan.

Naka-tag din si DJ Chacha sa post ni Luanne.

Tweet ni Luanne: “Yung mga taga showbiz dyan na gusto mag promote ng bashing pero puro encrypted message mag tag kayo kung matapang talsga kayo. Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @_djchacha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman sinagot ni DJ Chacha ang tweet ni Luanne.

Sinagot din ni Luanne ang isang netizen na nag-tweet ng artcard ng isang satire news page na naglalaman ng pekeng quote na galing daw kay Heaven.

Laman ng pekeng quote card na sinabi umano ni Heaven: “Let me get this straight, there’s no cheating na that happened if sinunod namin yung three-month rule. Tyaka bakit we blame lagi yung mga bago when it’s normal naman sa relationship na mag-fade at magkasawaan, di ba? Obviously, nagsawa na po sila so it’s her fault. Kaya nga po may three-month rule. We are not just normalizing it, it’s 2021.”

Tila kasi sineryoso ito ng netizen base sa kanyang caption na: “Nakakahiya naman sa IT’S HER FAULT.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reply ni Luanne sa netizen: “Ikaw ang nakakahiya kasi d ka nagche check kung tama ang pinagkukunan mo ng information. Hindi totoo ito.

“Puro ka mention sa anak ko. Malakas lang loob mo kasi Twitter mo d mo totoong picture at name.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo's mom Luanne (left) to DJ Chacha (right): "Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention."
PHOTO/S: @luanneperalejo / @_djchacha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results