PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo teases Marian Rivera: "Marian, baka naman..."

Bea Alonzo, Marian Rivera express excitement to meet each other in person.
by Bernie V. Franco
Published Aug 20, 2021
New Kapuso actress Bea Alonzo and GMA-7 Primetime Queen Marian Rivera meet in an online live event. The two actresses now have plans to meet and bond.
PHOTO/S: @beaalonzo, and @marianrivera on Instagram/Facebook (Beautederm)

Nagkayayaan sina Bea Alonzo at Marian Rivera nang magkaharap sila sa isang virtual live event ng isang beauty products brand.

Bagong-lipat sa GMA-7 si Bea, na prime artist sa dating home network nitong ABS-CBN.

Si Marian naman ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen.

Nangyari ang paghaharap ng dalawang A-listers sa virtual anniversary celebration ng Beautéderm, ang iniendorso nilang direct-selling beauty products brand ngayong gabi ng Biyernes, August 20.

Kasama rin sa online event ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez.

Sa isang punto ng virtual event, hindi napigilang sabihin ni Bea sa emcee ng event na si Darla Sauler na kinikilig siyang makasama sina Marian at Korina.

Sabi ni Bea, “Actually, sa totoo lang, Darla, kinikilig ako.

“Alam mo kung bakit? Nandiyan na si Miss Korina Sanchez, nandiyan pa si Miss Marian Rivera Dantes.”

Bungisngis naman ni Marian, “Asus!”

Pagpapatuloy ni Bea, “Parang I’m in the presence of such beauty, power, di ba Kinikilig ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinunggaban ni Marian ang pagkakataon para hikayating magkita-kita sila sa mas magandang pagkakataon.

Ani Marian, “'Yan ang sabi ko kanina. Sana matapos na lahat para magkita-kita na tayo nang aktuwal. Hindi yung nakaganito tayo, di ba?”

Sagot ng na-excite na si Bea, “Actually! Imagine kung personal ito. Imagine kung gaano kasaya ‘yon!”

BEA HOPES TO BE INVITED TO MARIAN’S HOUSE

Sa isang punto ng virtual live, sinabi ni Darla na nakapunta na siya sa bahay ni Bea. Sana raw ay mapuntahan din niya ang bahay ni Marian.

Hirit ni Bea, “Oo nga, baka ma-invite na tayo ni Marian.

“Magpapaka-close na ako. Marian, baka naman.”

Mabilis na pumayag si Marian, “Sure ba! Basta matapos itong pandemya. At ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko.”

Ani Bea, “Ayun.”

Pahabol ni Marian kay Bea, “Bea, kailangan magluto ka din. Magdala ka din ng niluto mo.

"O, di ba? I-invite ko kayo next time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ngayong gabi ay nagbatian ang dalawang aktres sa Instagram.

Nag-post ng photo si Marian sa kanyang Instagram account.

"Pretty!" komento ni Bea.

Sagot naman ni Marian kay Bea, "See you soon."

BEA'S TRANSFER TO GMA-7

Nangyari ang exclusive contract signing ni Bea sa GMA-7 noong July 1, 2021.

Sa event na iyon, ipinalabas ang isang video kung saan nagbigay ng mensahe ang ilang malalaking artista sa GMA, gaya nina Alden Richards at mag-asawang sina Marian at Dingdong Dantes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Really looking forward to work with you in my home network and I hope you will have a very fun stay here [with us],” ani Alden, na makakatambal ni Bea sa isang pelikula.

Tiniyak naman ni Marian kay Bea na mag-e-enjoy ang bagong Kapuso actress.

“Many are waiting for you here and we’re happy that finally, you’re a Kapuso,” sabi naman ng asawa ni Marian na si Dingdong, na nakapareha noon ni Bea sa pelikulang She’s The One (2013).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso actress Bea Alonzo and GMA-7 Primetime Queen Marian Rivera meet in an online live event. The two actresses now have plans to meet and bond.
PHOTO/S: @beaalonzo, and @marianrivera on Instagram/Facebook (Beautederm)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results