PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza says Julia Montes is bagay for Coco Martin

"Alam mong hindi put-on yung kanyang kabaitan"
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 14, 2021
Globally-acclaimed director Brillante Mendoza admires Julia Montes's down-to-earth attitude and endearing personality. He says, "Kasi si Julia naman napakabait na tao. I mean, alam mong hindi put-on ang kanyang kabaitan."
PHOTO/S: Brillante Mendoza on Facebook; cocomartin_ph on Instagram

Marami ang naiintriga sa reunion movie project ng globally-acclaimed award-winning director na si Brillante Mendoza at ng kanyang dating protégé na si Coco Martin.

Tentatively titled Pola (Red Earth), nasa cast din ng pelikula sina Julia Montes, Raymart Santiago, at marami pang iba.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Brillante sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City nitong nakaraang Agosto 4, 2020.

Ano ang impression ni Direk Brillante kay Julia bilang leading lady ni Coco sa Pola?

Lahad niya, "Ano siya, kasi naka-work ko na rin si Julia, e. Meron kaming Doctors To The Barrio na hindi masyadong nailabas. Project ko yun sa Departnent of Health.

"Si Julia ang kinuha ko kaya naka-work ko na siya before. Si Julia walang 'eme' rin. Magaling siyang artista, sobrang down-to-earth. At malakas kumain. Hahahaha!"

Base sa obserbasyon niya, sila ba?

Maingat niyang sagot, "Ewan ko. Hahaha! Tayu-tayo lang ito. Huwag ninyong sasabihin, ha? Hahaha! Very professional sila. Very professional on the set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba sila nagpi-PDA on the set?

Paglinaw niya, "Wala yata kaming oras mag-ganyan-ganyan sa set. Kasi ano kami, e, kapag nandiyan na sila, trabaho na iyan hanggang matapos ang shoot."

DIREK BRILLANTE GIVES JULIA A BIG THUMBS UP

Since kilala niya si Coco from way back, sa tingin ba niya ay si Julia na ang babaeng pakakasalan nito?

Mabilis niyang tugon, "I think so, oo. Kasi si Julia naman napakabait na tao. I mean, alam mong hindi put-on ang kanyang kabaitan. Kasi, napi-feel mo naman yun, e. Mapi-feel mo kapag nandoon siya. Yung pagiging tahimik niya. Yung pagiging down-to-earth niya. Yung maano siya sa crew. Hindi siya isnabero ba?"

Aprub ba sa kanya na si Julia ang maging asawa ni Coco?

"Oo naman," diin ni Direk Brillante. "Diyos ko naman, sa ano ni Julia, e, sa pagkatao ni Julia, wala siyang masamang tinapay. 'Tsaka wala siyang pangit na record sa films."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita ba niya na taglay ni Julia ang mga katangian bilang misis ni Coco?

"Oo, why not? Kasi ano, e, kumbaga bagay sila. Yung attitude ba, ganoon."

Totoo ba na may baby na sina Coco at Julia?

"Hindi ko alam," mabilis niyang tanggi.

"We don't ano... not unless it will come from them. We don't talk about personal matters. Hindi kami nag-uusap about personal life."

Kanino nanggaling ang ideya na isama si Julia sa Pola?

"Actually, kay Coco. At saka ano, bagay din siya. Saka sobrang ibang-iba ang roles nila, dito pag napanood ninyo sila dito."

Paano naman niya ide-describe ang karakter ni Julia sa Pola?

"Ano, hindi ko siya tinayp-cast na bida-kontrabida si Julia sa movie. Parang hinumanize ko siya. Parang mas na-humanize ang pagiging aktor niya, pagiging aktres kasi vulnerable siya sa mga bagay. So, mga babaeng nagkakasala."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Globally-acclaimed director Brillante Mendoza admires Julia Montes's down-to-earth attitude and endearing personality. He says, "Kasi si Julia naman napakabait na tao. I mean, alam mong hindi put-on ang kanyang kabaitan."
PHOTO/S: Brillante Mendoza on Facebook; cocomartin_ph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results