Kasal na sina Angel Locsin at Neil Arce.
Ngayong Sabado, August 7, 2021, ipinost ng newlyweds ang kanilang mga wedding photos, pati na rin ang vlog na pinamagatang "Lipat Bahay Gang," kung saan nila inanunsiyo sa dulo, "We are married!!!!!"
Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano last week.
Ayon sa post ng NicePrint sa Instagram, “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce
Civil wedding done”
View this post on Instagram
Sabi naman ni Angel sa kanyang Instagram, “and just like that (heart emoji)
“Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig [face with tears of joy, heart emojis]”
View this post on Instagram
Binati ang dalawa ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana sa kanyang Instagram.
Ayon sa aktres, “In case you missed the end of their VLOG. May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin”
View this post on Instagram
Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa sa post ni Angel.
Ilang beses nang naurong ang kasal nina Angel at Neil.
Dapat ay noong November 8, 2020 ang kasalan ng dalawa ngunit na-postpone ito dahil sa COVID-19 pandemic.
February 2018 nang opisyal na isinapubliko ni Angel na magkasintahan na sila ni Neil.
Makalipas ang isang taon at apat na buwan, noong June 2019, nag-propose si Neil kay Angel.
