Muli na namang ginulat ni Ahron Villena ang kanyang Instagram followers, kabilang ang ilang celebrities, dahil sa ibinahagi niyang nude photo kagabi, August 1.
Nakatalikod man, kita ang kaseksihan at matambok ng pisngi ng puwet ng aktor.
Pero ayon sa aktor, throwback photo lamang niya ito dahil hindi natuloy ang flight niya papuntang Boracay.
Sabi ni Ahron sa caption: "Yung eto dapat ang view mo ngayon kasi nasa bora ka pero cancelled flight [man facepalming emoji.]
“Kaya throwback na lang muna. Might delete later [peace sign, peach, see-no-evil monkey, winking face with tongue emojis]”

Maraming netizens at celebrities ang nagkomento sa post na ito ni Ahron.
Ayon sa Kapuso star na si Thea Tolentino, “pasabog naman po Father time!!! [rolling on floor laughing emoji]
Sagot ni Ahron sa kanya, “@theatolentino balot na balot daw si father time kasi nainitan [face with tears of joy emoji]”

Sabi ni Karel Marquez sa kanya, “ANO BA YAN HUY! [face with tears of joy emoji]
Tawa lang ang tugon ng aktor.

Komento ni Kris Bernal, “GRABE NAMAN PO YAN SEEEER [three faces with tears of joy, clapping hands emojis]
Emojis din lang ang sagot ni Ahron sa freelance actress.

Tanong ni Julia Clarete, “Huy ano yan!!!!"
Sabi ni Ahron sa dating Eat Bulaga co-host, "@juliaclarette ung bangka pare"
Sinakyan naman siya sa biro nito. Ani Julia, "@ahronvillena oo nga kap! Not one but two!"

Pambubuska ng dating naugnay sa kanyang si Kakai Bautista, “Hoy!!!!! [four faces with tears of joy emojis)”

Sagot ni Ahron, “@ilovekaye hi bes [grinning face with smiling eyes emoji]
Tugon ni Kakai sa kanya, “@ahronvillena UWEEEEEE!!!!!! [face with tears of joy emoji]"

Nag-viral si Ahron noong July 2017 dahil aksidente umano niyang na-post sa kanyang Instagram Stories ang nude photo kung saan kitang kita ang kanyang ari.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
