PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iloilo's gift to Hidilyn Diaz: unlimited La Paz Batchoy atbp.

May lifetime accommodation pa for Dinagyang Festival.
by Bernie V. Franco
Published Jul 30, 2021
Pinoy pride Hidilyn Diaz can have all the La Paz Batchoy and Pancit Molo she wants when she visits Iloilo City, courtesy of Mayor Jerry Treñas. The mayor says this lifetime treat is the city's way of thanking Hidilyn for raising the Filipino flag at the Tokyo Olympics.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram / Facebook

Agaw-pansin sa mga netizens ang reward na ibinibigay ng isang mayor sa Iloilo City sa Pinoy pride na si Hidilyn Diaz.

Kaiba kasi ito sa mga naglalakihang gantimpala na ibinigay kay Hidilyn ng mga malalaking negosyante at mga private at public companies, matapos niyang masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.

Halos PHP40 million cash na ang incentive para kay Hidilyn.

Nariyan rin ang dalawang kilalang airlines ang nagbigay rin sa kanya ng free flights for life.

Nakatanggap na rin siya ng dalawang house and lot.

At mukhang hindi pa natatapos ang paggawad sa kanya ng mga bonggang premyo.

Kaya naman agaw-eksena ang announcement ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na ginagawaran niya si Hidilyn ng lifetime free La Paz Batchoy at Pancit Molo

May kasali pang free lifetime accommodation sa Iloilo kapag napadako si Hidilyn sa siyudad para sa Dinagyang Festival, na idinaraos yung fourth Suunday ng January.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng mayor, nais nilang iparamdam kay Hidilyn ang Ilonggo hospitality.

Ginawa ni Mayor Treñas ang announcement sa kanyang official Facebook page nitong July 28, 2021.

Post ng opisina ng alkalde: "ILONGGO HOSPITALITY FOR HIDILYN!

“Iloilo City congratulates Hidilyn Diaz for her Olympic triumph.

“We give honor to a Filipina who has given us inspiration and pride during these most difficult times.

“The metro welcomes her with the utmost hospitality and love.

“We are giving her lifetime accommodation for Dinagyang Festival and unlimited batchoy and pancit molo she will surely enjoy!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ILONGGOS REACT

Samu’t sari naman ang reaksiyon ng mga Ilonggo sa post na ito ni Mayor Treñas, na halos limanlibong comments at lampas 450 na shares.

Isang restaurant sa Iloilo ang sumagot at nagsabing magbibigay rin ito ng pakain sa grupo ni Hidilyn “unlimited and FREE for a lifetime” sa tuwing bibisita sila sa Iloilo City.

Tanda raw ito ng pagkilala nila sa karangalang ibinigay ni Hidilyn sa bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagsabing kung hindi makakain ng Pinay lifter ang batchoy ay sa kanya na lang ibigay.

Sabi naman ng isa pa, baka hindi makakain ng La Paz Batchoy at Pancit Molo si Hidilyn dahil sa kanyang strict diet.

May nagbiro pang baka magkasakit sa kidney si Hidilyn dahil sa unlimited batchoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May gusto namang klaruhin ang netizen na ito: anong klaseng batchoy ba ang iaalok kay Hidiyn? Ito ba yung super special na mas maraming sahog?

May nagsabi rin na hindi mahalaga kung maliit ang tingin ng iba sa gantimpala ng Iloilo mayor kay Hidilyn.

Komento ng netizen (published as is): “Kahit gaano kaliit Ang ambag ni mayor Yan ay tanda ng pasasalamat ng mga Ilonggo sa pag bigay karangalan ni Hidilyn sa pilipinas [heart emojis]”

Dugtong naman ng isa pang netizen “it’s also promoting Iloilo finest.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy pride Hidilyn Diaz can have all the La Paz Batchoy and Pancit Molo she wants when she visits Iloilo City, courtesy of Mayor Jerry Treñas. The mayor says this lifetime treat is the city's way of thanking Hidilyn for raising the Filipino flag at the Tokyo Olympics.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results