Aminado si Kristoffer Martin na may mga nagawa siyang kamalian dati sa kanyang buhay. Pero alam daw niyang pinatawad na siya ng Diyos ngayong nagbabalik-loob na siya rito.
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang pag-attend sa isang worship service ng Grace Cornerstone City Church Inc. o Grace Church
Ang modelong si Cris Lomotan, na pastor din ng Grace Church, ang tila nangumbinsi sa kanya upang maging isang born-again Christian.
Sabi ni Kristoffer sa kanyang post, “Surrendered. Delivered...
“What I saw from my experiences before, that unconditional love has been there all the time.
“God uses people as his instrument to let you feel that kind of love. Even if you’re blinded by everything.
“He’s always there seeing you. Loving you unconditionally.”
Sabi pa ng aktor, naririnig niya sa iba ang mga salitang minsan na silang naligaw ng landas ngunit nakaya nilang baguhin ang sarili dahil sa Panginoon.
"'I was once lost, but now I am found.' I always hear that.
"But I felt it more and real now. Thank you Jesus.”
View this post on Instagram
Naging kontrobersiyal nitong mga nakaraang buwan si Kristoffer dahil sa pakikipaghiwalay nito sa live-in partner niyang si AC Banzon. Mayroon silang isang anak na babae.
April 2021, kinumpirma ng aktor na may bago siyang girlfriend, ang kapwa Kapuso na si Liezel Lopez.
Pero nitong July, umamin si Liezel na hiwalay na sila ni Kristoffer.
