Bukas ba si Toni Gonzaga na pumailanlang sa mundo ng pultika?
Ito ang maiksing napag-usapan nila ng vlogger at social media influencer na si Wil Dasovich na inilabas sa YouTube channel nito kahapon, July 14.
Sinabi ni Wil sa actress-TV host ang obserbasyon niyang uso sa Pilipinas na kapag ang isang artista ay nais nang magbago ng karera, isa sa kanilang pinupuntirya ay ang pagpasok sa pulitika.
Tanong ni Wil kay Toni, “I’ve noticed, something that trends in the Philippines is later on in life, after entertainment industry is done or you’re over it, a lot of people transitioned to politics.
“Now, is this something that you see yourself maybe doing in the future?”
Atubiling sagot ni Toni, hindi pa niya nakikita ang sarili na sumabak sa mundo ng pulitika. Pero hindi naman niya tuwirang isinasara ang kanyang pintuan para rito.
Sabi niya, “I don’t see myself in politics right now or anytime soon. But I don’t wanna say, never say never, di ba?"
So, may puwang pa rin ito sa kanyang isipan balang-araw?
Tugon ni Toni, “No, but I don’t really see myself being a politician.”
Sabi naman ni Wil, “Yeah, but then, who knows what happens twenty years from now?”
Sagot ni Toni, “Yeah, di ba? So, never say never.
"But in my heart right now, I don’t feel like that is something that I should be doing. That’s what I feel.”
Hindi na bago kay Toni ang pulitika dahil ang kanyang amang si Carlito “Bonoy” Gonzaga ay nagsilbi bilang vice mayor ng Taytay, Rizal ng ilang taon.
Tumakbo si Bonoy sa pagka-alkalde nitong nakaraang 2019 midterm elections ngunit hindi siya pinalad. Ang kalaban nitong si Joric Gacula ang nanalo.
