Lubhang nagdadalamhati si Amy Perez sa pagpanaw ng stand-up comedian na si Hans Mortel.
Sa Instagram post ni Amy, ipinakita niya ang throwback photo nila ni Hans noong magkasama pa sila sa TV5.
Kalakip nito ang quote na "A true friend is never truly gone. Their spirit lives on in the memories of those who loved them."
Ayon pa kay Amy, mami-miss niya si Hans.
Nabanggit din niyang "no more pain" na ito ngayon.
"Salamat sa love mo at lahat ng magaganda nating memories together.
"You will always be my favorite 'SAWSAWERO'
"I will miss you.[broken hearts emojis] No more pain. [crying emoji]
"Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ.
"My Deepest Sympathy to his family."

Dating co-hosts sina Amy at Hands sa defunct tabloid talk show ng TV5 na Face To Face.
Si Hans ang tagakuha ng mga hinaing at komento ng audience ng show na kung tawagin ay "sawsawero’t sawsawera."
Narito ang eksenang kuha sa TV5 show nila noong 2012:

Noong Hulyo 14, Miyerkules, naiulat ang pagpanaw ni Hans dahil sa sakit na hindi tinukoy kung ano.
Pero ayon sa kanyang kapatid na si Jean Mortel Chupungcu, nagsimula sa swollen lymph nodes ang karamdaman ni Hans. Hindi ito naagapan kaya nagkaroon ng mga kumplikasyon gaya ng pneumonia at tuberculosis.
Ang huling Facebook post ni Hans ay noon pang Hunyo 12, at makikitang ito ay nasa ospital at papasok ng intensive care unit.
