Sinakyan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang biro sa kanya sa social media matapos ang kanyang blooper sa Binibining Pilipinas 2021 pageant noong Linggo, July 11.
Si Catriona ang isa sa mga host ng pageant.
Sa announcement ng Top 13 semifinalists, tinawag ni Catriona ang pangalan ni Meiji Cruz ng Valenzuela City.
Pero sa halip na Valenzuela, ang nasabi ni Catriona ay “Binibini 7, Meiji Cruz, from Venezuela.”
Dahil dito, naging trending topic sa Twitter ang “Catriona” at “Venezuela” dahil sa mispronunciation ng former Miss Universe.
CATRIONA REACTS to her
Ngayong hapon ng Lunes, July 12, nag-react na si Catriona via Twitter.
Isang netizen ang nag-retweet ng isang meme kung saan ipinapakita ang pag-iwas ng lalaking naka-red jacket sa salitang “Valenzuela” at pagpabor nito sa salitang “Venezuela.”
Biro ng netizen (published as is): “@catrionaelisa no to Valenzuela! Yes to Venezuela hahaha your so cute muning! [red heart emoji]”
Ni-reshare ni Catriona ang tweet.
Sabi ng beauty queen, “Ito po ang sagot ko kay Tito Boy, when it’s okay not to be okay. Char. [laughing with tears, peace sign emojis]”
Animo’y gustong ipunto ni Catriona na okay lang magkamali.

Ang tweet ni Catriona ay in reference sa trending question ni Boy Abunda kay Miss Iloilo Karen Laurrie Mendoza.
Ganito ang pinag-usapang tanong ni Boy: “When is it okay not to be okay? And when is it not okay to be not okay?”
CATRIONA PRAISED FOR HER HOSTING SKILLS
Sa kabila ng blooper niya, umani ng papuri si Catriona at co-host na si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves bilang hosts ng pageant.
May nag-tweet na bagamat hindi perfect host si Catriona, wala raw dudang “one of the best hosts” siya sa national pageant sa mga nakalipas na taon.

“You did a great job last night in hosting,” komento ng isang netizen.
Komento naman ng isa pa, “It was your first time to host Binibining Pilipinas pageant and you did an excellent job! Congrats, Catriona! And congrats to Nicole, too”


Habang ang isang netizen, sinabing di hamak na mas mahusay ang hosting skills ni Catriona kesa kay Miss Universe 2012 Olivia Culpo.
Pinag-usapan nang husto si Olivia noong Mayo dahil sa malamyang paghu-host niya ng Miss Universe 2020 pageant.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
