PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Unforgettable quotes from stars amid ABS-CBN shutdown

"Sige tumawa kayo, pero t***** nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!"
by Rachelle Siazon
Published Jul 10, 2021
kapamilya stars abs-cbn franchise
ABS-CBN stars Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Kim Chiu, at Coco Martin nagpamalas ng lakas ng loob sa paghayag ng saloobin sa pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN, sa mga kapwa Kapamilya stars na "neutral," at sa mga taong nagbunyi sa kalbaryong sinapit ng network.
PHOTO/S: Instagram

Straight talk pero tagos sa puso ang mga pinakawalang salita ng Kapamilya stars na tahasang naghayag ng saloobin sa kasagsagsan ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Isang taon mula nang ipagkait ng Kongreso ang franchise renewal na hiling ng broadcast giant, binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa quotable quotes ng mga ito.

June 10, 2020 nang iboto ng 70 kongresista na ibasura ang application ng ABS-CBN.

May 4, 2020 nang mapaso ang license to broadcast ng ABS-CBN.

Kinabukasan, May 5, 2020, ipinasara ito ng National Telecommunications Commission.

ZANJOE MARUDO

Hindi masalita sa social media si Zanjoe Marudo, kaya mas nagmarka ang no-holds-barred na pagmumura niya sa mga taong nagbunyi sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Kalakip ang logo ng ABS-CBN na nasa itim na background, ito ang caption ni Zanjoe:

"Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!"

Sinamahan pa ito ni Zanjoe ng dirty finger emoji at hashtags na "#doubledead" at "#staystrong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ito ni Zanjoe sa kanyang instagram noong May 6, 2020.

May mga netizen na pumuna kay Zanjoe, kaya klinaro niya kung sino ang minumura niya.

Hindi raw niya lubos-maisip kung paano naatim ng ibang maging masaya sa pagdurusa ng libu-libong empleyadong apektado ng ABS-CBN shutdown.

Sabi ni Zanjoe sa karagdagang comment niya, "Alam namin bakit sinara!

"Ang post na ito ay para sa mga nagbubunyi at tuwang-tuwa na isinara ang ABS.

"Ano ba yan, lahat kailangan word for word.

"Napakasimpleng salita, hindi maintindihan. Haaayy Pilipinas kong mahal."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL LOCSIN

Prinangka naman ni Angel Locsin ang ibang Kapamilya stars na hindi makuhang ipagtanggol ang home network sa gitna ng kalbaryo.

Lalo na raw ang mga nakinabang nang husto para sumikat ang mga ito.

Nagpupuyos ang damdaming sabi ni Angel:

"Sa mga artistang hindi nagsasalita, may career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network!

"Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face… hindi niyo madadamayan ang mga katrabaho niyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

"Huwag kayong matakot, wala na kayong poprotektahang career o image. Nandito tayo sa panahon na kailangan na ding magsalita."

Isa si Angel sa mga artistang nanguna sa noise barrage sa tapat ng ABS-CBN compound noong gabi ng July 18, 2020.

Aniya, hindi raw uubra ang "sweet image" at pagiging "neutral" dahil para na rin nilang kinampahan ang "mali."

"Mahirap at totoong tagilid ang laban natin, pero alam ko, taas-noo ako, tama ang ipinaglalaban ko," giit pa ni Angel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


ANGELICA PANGANIBAN

Consistent din si Angelica Panganiban sa pakikiisa sa libu-libong empleyado ng ABS-CBN na apektado ng shutdown.

Noong July 17, idinaan niya sa sunud-sunod na tweets ang saloobin niya sa mga kongresistang bumoto na huwag bigyan ng prangkisa ang home network niya.

Patama ni Angelica: "Serbisyo para sa bayan ang dapat na inuuna ng mambabatas natin. Sa ginawa nila, sarili nila ang inuna nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo lang, hindi po namin responsibilidad ang mga empleyado na nawalan ng trabaho. Pero nandito kami. Nagsasalita, para sa kanila.

"Bakit? Kasi siguro yun ang makatao."

May apela rin si Angelica sa mga taong ikinatuwa ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Tweet niya: "Tratuhin niyo naman kaming mga tao. Kaming lahat na nawalan ng trabaho. Nawalan ng tahanan.

"Paano niyo kayang sikmurain na pag tawanan ang kapwa ninyo pilipino na nawalan ng kabuhayan?

"Pilipino sa kapwa pilipino na ang naglalaban laban. Tama pa ba yon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COCO MARTIN

Nagpupuyos din ang damdamin ni Coco Martin sa aniya'y kawalan ng hustisya sa pagpapasakit sa ABS-CBN.

Paano raw nangyaring mas may malasakit pa umano ang gobyerno sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ang mga empleyado ay panay banyaga.

Sabi ni Coco sa Facebook Live ng #LabanKapamilya noong May 8, 2020:

"Ano po ang uunahin nating gawin? Tanggalin ang kumpanyang tumutulong sa ating kapwa? Sa lahat ng mga Pilipino?

"O iyong sugal na pinapasok sa ating bansa? Buti pa yung POGO, ipinaglalaban niyo!

"Itong kumpanyang tumutulong sa lahat ng mga tao ngayon, pinasara niyo! Ano yun?!"

Hinikayat din noon ni Coco na makiisa ang mga Kapamilya na ipaglaban ang kanilang tahanan.

Puno ng emosyong pahayag ni Coco: "Hindi ito labanan ng diplomasya! Binarubal na tayo, e. Tinatarantado na tayo, e.

"Anong expect natin? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila! Tiniis na natin sila!

"Dapat kumilos tayo! Dapat magsalita tayo! Dapat lahat ng mga artista iparinig niyo kung anong nawala sa atin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung 11,000 na nasa ABS-CBN, iparinig niyo!"

KIM CHIU

Pinagtawanan si Kim Chiu sa kanyang sikat na "Bawal Lumabas" quote dahil nakakalito ang mensahe niya rito.

Galing din iyon sa #LabanKapamilya Facebook Live noong May 8.

Ikinumpara ng aktres sa pagsunod sa mga "batas" na umiiral sa loob ng classroom ang kaso ng pagpapasara sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Kim: "Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas.

"Pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas.

"Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo, at sinubmit mo uli, ay, pwede na pala ikaw lumabas."

Nag-viral ito, at inulan ng batikos si Kim.

Pero kinabukasan ay nakuha pa rin niyang tawanan ang sarili.

"Sa sinabi tungkol sa 'classroom,' nung binasa ko, hindi ko din naintindihan. Haha pareho lang tayo!" post ni Kim sa social media.

Hindi nagpatinag si Kim at nakipag-collab pa kay DJ Squammy at Adrian Crisanto para mabuo ang kantang "Bawal Lumabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN stars Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Kim Chiu, at Coco Martin nagpamalas ng lakas ng loob sa paghayag ng saloobin sa pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN, sa mga kapwa Kapamilya stars na "neutral," at sa mga taong nagbunyi sa kalbaryong sinapit ng network.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results