Ipinagluluksa ni Gladys Guevarra ang pagpanaw ng kanyang alagang English bulldog na si Bherger.
Kahapon, July 8, ibinalita ni Gladys sa kanyang Instagram ang pagkamatay ng alagang aso.
Limang taon na si Bherger sa kanyang pangangalaga.

Sabi ni Gladys sa caption, “Thank you for those 5 wonderful years anak ko. Run free Bherger. Mama loves you so much anak ko. Bantayan mo si Mama. Sobra kitang Mahal. @bhergerbulldog”
View this post on Instagram
Hindi binanggit ni Gladys ang dahilan ng pagkamatay ni Bherger.
Sa comments section ng post ni Gladys, bumaha ang pakikiramay mula sa dog lovers, kabilang na ang ilang celebrities.
Ngayong Biyernes, July 9, nagpasalamat si Gladys sa lahat ng nakisimpatiya sa kanya.
Karamihan daw sa mga nagpaabot ng mensahe ay nagtatanong ng sanhi ng kamatayan ng alagang aso. Pero hindi pa raw handa si Gladys na magkuwento tungkol dito.
Sabi niya, “Natatanggap ko mga messages nyo . . . Lahat ng nagtatanong anong nangyari kay Bherger, pasensya na di ko pa kayang mag kuwento.
“Oa man, oa talaga. Sa totoo lang, masakit na masakit na masakit na masakit po ito. Sa harap ko po sya bumagsak, wala akong nagawa.
“Kaya bigyan nyo muna ako mga ilang araw mag grieve, sabi ko hindi ko kaya ito.”
Ayon pa kay Gladys, darating ang araw na matatanggap din niya ang nangyari sa kanyang itinuturing na “anak.”
“Pero with God’s grace at ang suporta ng asawa ko alam kong matatanggap ko din ito.
“Hindi pa man ngayon, pero darating ang araw na yun.
“Alam ninyong lahat gano kaimportante sa akin si Bubba ko.
“Ang sakit sakit sakit sakit sakit sakit sobra. Kasama sya sa lahat ng pangarap at plano ko, pamilya ko si #Bherger . . .
“At sabi ko nga sa asawa ko, litterally nung iniwan ako ng mundo, si Bherger lang ang nandyan para maging mundo ko.
“Sabi siguro ng anak ko, ‘matagal ka ng nag s-struggle mama, kakahanap ng makakasama mo sa buhay, magmahal at mag aalaga sayo. andyan naman na si papa Mike, so ok na pwede na kitang iwanan mama.’
“Oh Lord, Help me ease this pain.”
View this post on Instagram
